• Home
  • Fresh Scoops
  • Host ng dalawang programa sa PIE Channel si Samantha Bernardo.

Samantha Bernardo, masaya na natutupad ang pangarap sa showbiz dahil sa PIE Channel

Host ng dalawang programa sa PIE Channel si Samantha Bernardo.

Samantha Bernardo, masaya na natutupad ang pangarap sa showbiz dahil sa PIE Channel-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/22/2022 07:36 PM
Samantha Bernardo, masaya na natutupad ang pangarap sa showbiz dahil sa PIE Channel
Photo Credit: @samanthabernardo__on Instagram

Gustung-gusto ng dating beauty queen at Pinoy Big Brother housemate na si Samantha Bernardo ang ginagawa niya bilang isa sa host ng programang Ekstra Ordinaryo at Ekstra Ordinaryo Next Level na napapanood sa PIE Channel. Inamin niya ito sa PUSH sa ginanap na digital presscon para sa mga programa ng PIE Channel kamakailan lang.

Ang Ekstra Ordinaryo at Ekstra Ordinaryo Next Level ay interactive artista search para sa mga gustong maging ekstra o di kaya naman ay maging artista sa TV at pelikula na bahagi ng PIEgalingan segment ng PIE Channel.

Ang PIE Channel naman is the first multiscreen, real-time interactive TV channel in the country kung saan puwedeng mag-participate and viewers at manalo ng cash prizes every day.


Anyway, dahil longtime dream para kay Sam ang pasukin ang showbiz kaya happy siya na unti-unti na itong natutupad pagkataapos niyang maging bahagi ng PBB.

Aniya, “Itong pagsu-showbiz, yon po talaga yung gusto kong gawin ngayon lalo na yung hosting. Hindi naitatanong nung ibang mga tao, my first ever modeling gig was in TV talaga for Be Careful With My Heart.

“That’s why I’m so blessed and happy na part ako ng Ekstra Ordinaryo and team PIE Galingan kasi nasa showbiz  po lahat yung talents na hindi ko naipakita dati. Wala kasing ganun sa beauty pageant di ba? Rampa at Q and A and siyempre mga advocacies, pero dito talaga sa showbiz puwede mo ipakita yung talent mo. Yon kasi talaga yung other side of me after PBB, so yon po.”

Ayon pa kay Sam, relate na relate din siya sa mga contestants na sumasali sa PIEgalingan.
 
Yes, exactly po,” reaksyon ni Sam. “And for me, parang naging advocacy ko na talaga na…

“Siguro, napatunayan ko na in in my pageant journey in Binibining Pilipinas pati na rin sa PBB na life is not always about winning. Yon yung sine-share ko sa lahat ng tao na we define our own win po,” saan pa ni Sam.

BASAHIN: Samantha Bernardo, bet nga ba si Herlene Budol as next Miss Grand International PH?

Ikinuwento rin ni Sam kung paano siya nakapasok sa PIE Channel.

“I auditioned for PIE Channel. I remember, parang two to three months kami nag-boot camp and we’ve been preparing for this moment kaya lang nung mismong launch ng show nasa loob ako ng Pinoy Big Brother house. Tinulungan nila akong mag-audition for the show via Zoom pero without knowing na ito na pala yon.

“Naaalala ko dati nagtatago pa ako sa mga housemates kasi bawal pang i-reveaL na, ‘Ito na yon, ito na yon, may bago na akong show!’” masayang pagbabalik-tanaw ng beauty queen.

“But seriously, ang nilo-look up ko talaga with the PIE jocks is lahat talaga kami kasi we added value to the show, we added value to the PIE Channel and I feel like lahat talaga kami may kanya-kanyang personality that reflects yung mga ka-troPIE natin sa outside world. Kaya naman thank you so much sa lahat ng mga sumusuporta sa amin kasi without them hindi rin yon magta-transcend dito sa amin sa PIE Channel,” dagdag niya.

BASAHIN: LOOK: Samantha Bernardo’s first Instagram post after ‘PBB’ journey

Samantala, kahit busy na sa kanyang mga showbiz commitments ay itinutuloy pa rin ni Sam ang pagme-mentor sa mga bagong beauty queens ng bansa.

“I’m actually doing mentoring and personality development of all the queen. Siguro behind the scene hindi ko lang yon napapakita sa social media,” huling pahayag ni Sam sa PUSH.