• Home
  • Fresh Scoops
  • Winwyn Marquez, di pa rin makapaniwala na nakatanggap ng international acting award.

Winwyn Marquez on her first best actress award: ‘Parang feeling ko it’s a prank’

Winwyn Marquez, di pa rin makapaniwala na nakatanggap ng international acting award.

Winwyn Marquez on her first best actress award: ‘Parang feeling ko it’s a prank’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/19/2022 05:53 PM
Winwyn Marquez on her first best actress award: ‘Parang feeling ko it’s a prank’
Photo credits: @teresitassen on Instagram

Kauna-unahang acting award bilang best actress ang napanalunan ni Winwyn Marquez just recently sa International Film Festival Manhattan 2022 para sa pelikulang Nelia ng AQ Prime kaya hindi maipaliwanag ng dating beauty queen ang kanyag nararamdaman nang makausap siya ng PUSH.

“Puro nominated lang ako pero before bilang kontrabida role and then for hosting. Pero hindi pa ako nananalo (ng best actress) at all so nung sinabi sa akin sabi ko, ‘Totoo ba? Dyino-joke n’yo ba ako?’ Or parang nominated lang ba pero yon pala oo nga,” reaksyon ni Winwyn.

Ano bang reaksyon niya na ang unang acting award niya ay nakuha sa isang international film festival?


Tugon niya, “Hindi pa nagsi-sink-in til now. Kaya nga tahimik lang ako at saka parang nagugulat lang ako. Parang feeling ko dyino-joke pa rin ako.

“Oo. Parang feeling ko it’s a prank, ganun. Hahaha! Parang inaantay ko pa baka kasi mamaya bawiin or something nagkamali. Pero hindi ko ma-explain kung ano yung napi-feel ko kasi  natutuwa, shocked na feeling ko hindi ako deserving… yung mga ganun. Pero siyempre happy ako, very very happy.”

LOOK: Winwyn Marquez, partner get daughter baptized

Sa palagay ba niya ano ang magiing impact sa kanyang career na meron na siyang acting award?

“To be honest, yon din ang inaantay ko. Hahaha! Kung ano yung impact na madadala nito for me,” sabi ni Winwyn.

“Kasi I’ve been in showbiz since I was 18 years old and 30 na ako ngayon, eh, so at least nakita nila yung passion ko in my craft, at least alam nila na kaya talagang madrama, mag-action, all that genre. So sana, sana may impact talaga na may mangyari,” lahad pa niya.

Teary-eyed naman si Winwyn nang sabihin namin na hindi na lang basta beauty queen siya ia-address ngayon kung hindi “beauty queen and award-winning actress” na rin. Handa na ba siyang makarinig ng ganito?

“Bakit naiiyak ako… Ano ba yan? Hindi ko po alam. Ano ba, naiiyak ako dito, nahihiya ako,” reaksyon niya.

“Hindi ko po alam… Parang hindi pa rin talaga nagsi-sink in lalo na do’n sa sinabi niyo. Parang hindi ko pa kayang tanggapin na sabihin nila yon kasi nga feeling ko hindi pa ako deserving for that… I don’t know,” dagdag niyang reaksyon.

Habang ginagawa noon ni Winwyn ang Nelia ay hindi raw sumagi sa isip niya na ang pelikula ang magiging daan para mapansin siya bilang aktres.

“Hindi po. Ang nasa isip ko thankful ako kasi nabigyan kami ng work nung time ng pandemya. Na ang daming nabigyan ng trabaho na natengga for a long time lalo na yung mga staff, yung ibang actors.

“Hindi ko na inisip yung, ‘Ay, magkakaroon ako ng award dito or mapapansin ako, ‘no!’ Ang insip ko is finally we all have work and tuluy-tuloy pa rin yung Philippine movies, yon yung naisip ko,” esplika ni Winwyn.

Usually, kapag nagkaroon ng award ang isang artista sa Pilipinas ay tumataas ang talent fee nito at nagiging mapili sa role. Ganun din kaya sa case niya?

BASAHIN: Winwyn Marquez shares her motherhood journey

Tugon ni Winwyn, “Parang ano… gusto ko lang mabigyan ako ng work kasi may anak na ako, eh. Ang isip ko lang is work, better script siguro, magandang story.

“Hindi naman ako sobrang mapili, hindi ko lang talaga kaya yung super sexy and I’ve been vocal about that. Gusto ko lang talaga mabigyan ng magandang script para mas mapakita ko na kaya kong umarte.”

Itinuturing naman ng aktres na lucky charm ang anak niyang anak niyang si Luna sa magagandang blessings na dumarating sa kanya ngayon.

“Kasi nung nakapasok ang Nelia sa MMFF I was pregnant with Luna. Five months ako no’n. Tapos nung lumabas na siya, ang unang work ko pa after I gave birth is yung Ligalig ni Ms. Nora Aunor, tapos puro award-winning actor pa ang kasama – Allen Dizon, Snooky Serna.

“And then now, kung kailan siya magsi-six months na biglang may award na best actress. So, sabi ko si Luna na talaga ang lucky charm ko. Parang lahat ng wish ko nagkatotoo dahil sa kanya,” masayang pahayag ng beauty queen at award-winning actress.