• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Romnick Sarmenta ang kanyang mga natutunan sa loob ng 45 na taon sa showbiz.

Romnick Sarmenta, inaming hindi kailanman hinangad ang sumikat

Ikinuwento ni Romnick Sarmenta ang kanyang mga natutunan sa loob ng 45 na taon sa showbiz.

Romnick Sarmenta, inaming hindi kailanman hinangad ang sumikat-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/19/2022 02:01 PM
Romnick Sarmenta, inaming hindi kailanman hinangad ang sumikat
Photo credit to @nicksarmenta Instagram

Hindi maikakaila na isa si Romnick Sarmenta sa pinakakilalang artista sa mundo ng showbiz. 

Sa panayam ni Romnick sa ABS-CBN News, ikinuwento ng aktor kung ano ang ilan sa mga natutunan niya sa loob ng 45 na taon sa industriya ng showbiz. 


Gumaganap si Romnick bilang Fred sa hit series na 2 Good 2 Be True

Ani Romnick, maituturing na isang malaking blessing ang maenjoy ang kanyang mga ginagawa na aniya’y buhay na niya. 

“What’s a blessing now is I get to enjoy looking at this work again in a different way. Sa ibang tao, ‘Showbiz ‘yan.’ Sa inyo. Pero sa amin, parte ‘to ng buhay namin. Ito ang alam namin,” aniya. 

Dagdag pa niya: “If you put me in any other work, siguro I would feel like fish out of water. Puwede ko pag-aralan, pero hindi siya kasing natural para sa akin katulad nito.” 

READ: Romnick Sarmenta admits being questioned if he was gay by a family member

Dito, sinabi din ni Romnick na hindi niya hinangad ang sumikat kundi ang makapagkuwento lamang ng iba’t-ibang istorya sa pamamagitan ng pag-arte. 

“It has never been to be famous or to be known,” aniya. “It’s just simply telling a story that we feel is important for others, ‘yung paggawa namin ng ganito. Salamat sa Diyos na nandito pa rin kami. Kung gaano katagal pa siya abutin, salamat ulit,” dagdag pa niya. 

Isa din sa mga napag-usapan ang tungkol sa mga natatanggap niyang komento sa publiko lalo na sa social media.

“This day and age, people are just so abrasive with words, dahil nakatago sila sa likod ng keyboard, ng gadget, ng screen at wala silang presence o personality na kilala ng madla,” aniya. 

Pagpapatuloy pa ni Romnick, kailangan umanong alamin ang mga bagay na dapat pakinggan at baliwalain. 

“Aakalain mo na ang buong pagkatao mo ay kung paano ang tingin sa ‘yo ng maingay na grupo. Whether mas marami sila o mas kaunti, sila lang kasi ‘yung mas maingay, aakalain mong ganu’n ka,” saad niya. 

READ: Romnick Sarmenta finally confirms relationship with actress Barbara Ruaro

“You either think you’re really that good at lalaki ang ulo mo, or you think that you so suck na hindi mo na gusto magtrabaho ulit. When in truth, hindi naman iyon ang totoo,” dagdag pa niya. 

Ani pa ni Romnick: “So you have to know, sino ba ang pakikinggan ko? Ano ba ako? Sino ba ako? ‘Pag na-figure out mo ang sagot sa mga ‘yun, I think you have a better chance of enjoying this work and staying here a little bit longer.”