• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado ang host at aktres na si Jolina Magdangal na nahihiya siya kapag binabansagan siya bilang isang ‘90s icon.

Jolina Magdangal sa pagiging ‘90s icon: ‘Nahihiya ako’

Aminado ang host at aktres na si Jolina Magdangal na nahihiya siya kapag binabansagan siya bilang isang ‘90s icon.

Jolina Magdangal sa pagiging ‘90s icon: ‘Nahihiya ako’-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/19/2022 06:07 PM
Jolina Magdangal sa pagiging ‘90s icon: ‘Nahihiya ako’
Screenshot from Camille Prats Yambao's YouTube channel

Aminado ang host at aktres na si Jolina Magdangal na nahihiya siya kapag binabansagan siya bilang isang ‘90s icon.

Sa vlog ni Camille Prats na inilabas nitong Miyerkoles, Oktubre 19, ipinaliwanag ni Jolina kung bakit hanggang ngayon ay tila hindi pa rin siya sanay kapag tinatawag siya ng mga tao na ‘90s icon.


“Alam mo Cams, ‘yung pagiging icon, kahit sinasabi sa akin minsan nahihiya ako. Kasi parang feeling ko, ano ba ang basehan ng pagiging icon? Tsaka kapag sinabi mong icon, talagang tumatak ‘yan sa mga tao. Eh paano kapag wala nang butterfly, wala na ring icon? Parang ganun, eh. Parang feeling ko ganun,” ani Jolina, na bukod sa kanyang acting ay nakilala rin dahil sa kanyang fashion sense.

“So kapag sinasabihan ako ng icon, [nasa isip ko], ‘Nakakahiya sa mga totoong icon!’”

Iginiit naman ni Camille na karapat dapat lang na tawaging icon si Jolina dahil nag-iisa lamang ang aktres sa industriya.

“But you are a real icon, ate. Kumbaga there is no one like you. And ilang taon ka na sa industry? 32? Oh kita mo,” ani Camille.

Matapos nito ay ibinahagi nina Jolina at Camille – na nagkasama noon sa ABS-CBN ‘90s sitcom na Arriba, Arriba – ang kanilang pasasalamat sa kanilang mahaba at matagumpay na karera sa showbiz.

“Ako ate 30 years [na sa showbiz]. ‘Di ba. Such a blessing, ate. Such a blessing,” giit ni Camille.

Saad ni Jolina: “And I think hindi natin ‘to mararating kung hindi… Kumbaga minahal natin kung nasaan tayo ngayon kahit ano pang intriga at kahit ano pang pinagdaanan natin.”

Agad namang sumang-ayon si Camille at sinabing hindi biro ang mga dinanas nila noong lumalaki sila sa harap ng kamera.

“And you know, being in the industry, just like any industry, wala namang mabait na industriya ‘di ba. Lahat naman may mga kanya kanyang struggles,” ani Camille. “Pero nagpapasalamat lang ako na parang for me, kung nasaan man ako ngayon – and I’m sure you can say the same for yourself – wala akong pagsisisi.”

READ: Camille Prats, Angelica Panganiban recall most memorable experiences working in their 90s classic films

Samantala, ibinahagi naman ni Jolina kung ano ang rason sa pananatili niya sa show business ng mahabang panahon, sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya bilang parte ng industriya.

“’Yung mga tao na nagmamahal. Siguro ‘yung ‘pag wala na talaga akong nababasa na natutuwa sa gusto ko, [na parang], ‘Ano pang ginagawa mo diyan sa TV?’ [doon lang ako hihinto]. Pero kahit may isa na lang na meron pang nai-inspire dahil sa napapanood nila sa akin, I think, laban. Laban lang tayo dito sa industriya,” ani Jolina.

“At hindi madali, ah. Lalo na, alam mo naman, hindi rin fair ‘yung iba kung paano lumaban sa industriya. Pero basta alam mong wala kang inapakan at saka, ‘yun na nga, meron ka pa ring nai-inspire na tao, go-go ako. May purpose pa ako.”