• Home
  • Fresh Scoops
  • Pumanaw na ang discoverer at dating talent manager nina Liza Soberano at Alden Richards.

Liza Soberano’s discoverer and former talent manager dies at 52

Pumanaw na ang discoverer at dating talent manager nina Liza Soberano at Alden Richards.

Liza Soberano’s discoverer and former talent manager dies at 52-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2022 03:42 PM
Liza Soberano’s discoverer and former talent manager dies at 52
Photo credit to @duduunay Instagram

Ikinagulat ng mga kaibigan sa showbiz ng discoverer at talent manager na si Dudu Unay ang kanyang biglaang pagkamatay nitong Lunes ng umaga, October 17, 2022.

Si Dudu ay binawian sa edad na 52 sa bahay ng kanyang kapatid na babae sa Bulacan.


“Nung isang araw nagpunta siya sa ate niya kasi nanghihina daw siya. Pag tumatayo siya para daw siyang matutumba,” kuwento sa PUSH ng malapit na kaibigan ni Dudu.

READ: Ogie Diaz opens up about Vice Ganda, Liza Soberano leaving his management

“Nagpa-check-up din siya sa Heart Center at pinasamahan ko sa friend ko. Hindi naman siya nagpa-confinem,” dagdag pa ng kaibigan ni Dudu.

Si Dudu ang discoverer ni Liza Soberano bago ito napunta sa poder ni Ogie Diaz.

Si Dudu rin ang naka-discover kay Alden Richards at nagdala para sa isang teleserye audition kung saan siya nabigyan ng break sa telebisyon hanggang unti-unti na ring nakilala sa showbiz.

Kung tutuusin ay napakalaki ng utang na loob nina Liza at Alden kay Dudu dahil kung hindi dahil sa pumanaw nilang discoverer ay hindi sila makakapasok showbiz.

READ: James Reid to become Liza Soberano’s talent manager as actress aims to pursue a career in the US

May mga naging talents din si Dudu na napabilang sa Pinoy Big Brother at kino-manage niya with Star Magic. Sa kasalukuyan ay siya ang tumatayong manager ni Royce Cabrera na isa sa mga bida sa Cinemalaya film na Fuccbois noong 2019.

Samantala, wala pang binibigay na detalye ang pamilya ni Dudu kung ano talaga ang dahilan ng kanyang biglaang pagkamatay.