• Home
  • Fresh Scoops
  • Sina Pops Fernandez at Sharon Cuneta ang ilan sa mga performers sa Gabay Guro 2022.

Dominic Roque, Pops Fernandez at Sharon Cuneta pinapurian ang mga teachers sa Gabay Guro 2022

Sina Pops Fernandez at Sharon Cuneta ang ilan sa mga performers sa Gabay Guro 2022.

Dominic Roque, Pops Fernandez at Sharon Cuneta pinapurian ang mga teachers sa Gabay Guro 2022-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2022 01:45 PM
Dominic Roque, Pops Fernandez at Sharon Cuneta pinapurian ang mga teachers sa Gabay Guro 2022
Photo credit to @popsfernandezofficial and @reallysharoncuneta Instagram

Hit performances from talented Filipino performers ang handog para sa ating mga teachers.

Sa ika-15 taon ng taunang selebrasyon ng pagbibigay-pugay para sa mga guro, muling nagsama-sama nitong October 15 sa iisang entablado ang malalaking pangalan sa show business para sa pagpapatuloy Gabay Guro ngayong 2022. 

Sa pamamagitan ng isang digital show, isang natatanging entertainment showcase at pagpupugay para sa mga guro ang inihatid ng longtime advocates ng mga teachers na sina Songbird Regine Velasquez Alcasid, Concert King Martin Nievera, Iconic Balladeer Basil Valdez, Pop Diva na si Kuh Ledesma at Megastar Sharon Cuneta. 


Stand out performance ang inihatid ng mga performers na sina AC Bonifacio, Sheena Belarmino, Angela Ken, Jeremy Glinoga, Darren Espanto,Nicole Asensio, Aicelle Santos, Jed Madela, Jett Pangan, Alamat, CLR, MC Einstein, Janine Tenoso, Jason Dy, Heaven Paralejo, Christian Bautista, Jolina, Sam, Tippy Dos Santos, Neo Rivera, Kayla Rivera, Mark Bautista, Klarisse de Guzman, Erik Santos, Jona, Elha Nympha, Lara Maigue, Fana, Janine Berdin, and The Company.

Bukod sa jam-packed performances, nag-uwi rin ng bigating prizes ang mga teachers na handog ng Gabay Guro organizers headed by Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla, who is also the Chief Finance, Risk and Sustainability Officer of the Metro Pacific Investments Corp. (MPIC)

Together with Jolina Magdangal and Sam Concepcion, Gabay Guro was also hosted by Pops Fernandez and Dominic Roque na ilan taon na rin na patuloy ang pagbibigay-pugay para sa mga teachers.  

“Why did I continue to support Gabay Guro Because it’s for a very good cause. Aside from the fact that it is heart warming-nakaka proud to se all these teachers gather, in a huge venue every year nakikita mo ‘yung excitement nila, ‘yung kanilang passion to participate, happy sila it’s not just our job to bring them entertainment,” ani Pops sa naganap na media interview. 

“Kasi ano ba naman ang gagawin nila a good two to three hours and nakakatuwa that whatever we do, whatever it is hosting, singing dancing at pagpapatawa, nakakatulong kami to entertain them and kasi alam namin na pinaghahandaan nila yun every year,” dagdag niya.

Ayon pa kay Pops, bukod sa yearly celebration ng mga teachers, excited rin siya sa nagaganap na pagsasama-sama ng mga bituin sa gabay guro na mistulang mini reunion para sa kanilang mga performers na maituturing ng host na kanila na ring malalapit na kapatıd. 

“As performers as artists, excited rin kami to be part of it, kasi kung nag-enjoy po ang mga guro natin sa kakapanood and of course all the wonderful things the gabay guro has to offer to them,” pahayag ni Pops.

“Kami rin po backstage, nag-e-enjoy kasi parang isang malaking camaraderie ang nangyayari sa sobrang busy rin naman kasi, hindi rin naman talaga kami nakakapag-kita kita sa ayan na ‘yung mini reunion talaga namin, kaya kung excited ang mga guru natin, excited rin kami backstage to get chika with each other,” dagdag pa niya. 

Ang actor-host naman naman na si Domnic Roque, ang dedikasyon ng mga guro sa kanilang profession ang nais niyang bigyan nang importansya dahil sila ang tumayong mga pangalawang magulang sa mga mag-aaral. 

“Sobrang natutuwa ako na makita rin sila everytime na may gatherings so, ayun ‘yung parang nag-give back ka to make them happy kasi alam naman natin na grabe ang pag-aalaga ng mga teachers and ‘yung pag-aruga nila sa mga estudyante. So that made me stay and be part of PLDT Gabay Guro,” sambit ni Dominic. 

Samantala, thankful rin si Megastar Sharon Cuneta na maging bahagi ng Gabay Guro na matuturing na rin na suki ng yearly teachers event.

RELATED LINK: Sharon Cuneta reveals it was Gabby Concepcion who reached out for mini-reunion to happen

In an instagram post, beyond thankful and grateful si Mega sa opportunity na makapag-bigay saya sa mga guro. 

“Thank you to Gabay Guro Grand Gathering 2022 for having me as a guest again this year. It is always an honor and pleasure for me to sing for you, aming mga minamahal na guro! God bless and keep you safe and healthy always. I love you all!,” caption ni Sharon sa Instagram kalakip ang kaniyang litrato na Napa-wow sa netizens. 

Matatandaan na sa Gabay Guro stage noong 2019, gumawa ng ingay noon ang pagkakaayos nina Sharon sa kaniyang ex-husband na si Gabby Concepcion.