• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaasa si Bianca Lapus na mananaig ang katotohanan para kay Vhong Navarro.

Bianca Lapus, suportado ang laban ng dating asawa na si Vhong Navarro

Umaasa si Bianca Lapus na mananaig ang katotohanan para kay Vhong Navarro.

Bianca Lapus, suportado ang laban ng dating asawa na si Vhong Navarro-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2022 05:11 PM
Bianca Lapus, suportado ang laban ng dating asawa na si Vhong Navarro
Photo credit to @biancalapus and @vhongx44 Instagram

Buong suporta mula sa kaniyang pamilya ang ibinahagi ng former actress na si Bianca Lapus para sa ex-husband niya na si Vhong Navarro. 

Kasunod ito nang muling pagbubukas ng mga kasong acts of lasciviousness at rape na isinampa noong 2014 ng model na si Deniece Cornejo.

Ika-19 ng Setyembre nitong taon nang maghain ang Taguig Regional Trial Court ng warrant of arrest laban sa kanya.


READ: Vhong Navarro, nilipat na sa NBI detention center

Gaya ng suporta ng misis ni Vhong na si Tanya Bautista Navarro, buo rin ang suporta ang ibinigay ng ex-wife ni Vhong na si Bianca Lapus para sa hinaharap ng TV host. 

“Yes, mayroon kaming family group chat,” bungad ni Bianca sa naging panayam ng PUSH.

“And ever since naman even few weeks ago kumbaga ang motto namin, we will get through this as one family, ‘yun naman ever since ang motto namin every time na may problema,” sambit ni Bianca. 

Bilang isang ina sa dalawang anak nila ni Vhong na si Isaiah at Frederick, tanging gabay at pagmamahal sa mga anak nila ang ipinangako ni Bianca habang hinaharap ng TV host ang kaniyang laban. 

“It’s just unfortunate na nangyari ulit ang ngayon akala natin ay tapos na pero ayun, it’s gonna hard pero ako ang pangako ko kay Vhong bago pa siya magpunta ng NBI that day, pi-nromise ko sa kanya na ako na ang bahala sa mga bata and don’t worry about them,” ani Bianca. “But siyempre Vhong is a loving father he’s very close to the boys and it’s really really hard for him ayun, getting by day by day.” 

Batid rin ni Bianca na hindi maiwasan na maapektuhan rin ang kanilang dalawang anak na si Isaiah at Frederick sa hinaharap na pagsubok ng kanilang ama. 

“Very ano naman sila, very strong naman sila but of course ako bilang nanay, deep inside alam ko na nahihirapan silang matulog, nasa komportableng kama sila naka air con maayos ang bahay na tini-tirhan na ibinigay ng tatay nila na habang ang nagbigay ng comfort na ‘yun ay hindi nakakaranas ng komportableng pag-tulog sa mga araw na ‘to and I know na they’re very worried and very scared of what’s gonna happen and we really don’t know what’s gonna happen,” sambit ni Bianca. 

Malaking bagay rin aniya sa kanila ngayon na nabibigyan sila ng pagkakataon na madalaw sa himpilan ng NBI kung saan kasalukuyan ngayong naka-piit si Vhong na paraan rin nila para magbigay ng kanilang suporta at pagmamahal.

“Yes. Kahit mahirap ayun kasi talaga ang bagay na kailangan ni Vhong ngayon kasi ayun ang strength niya eh, ang mga anak niya ako naman nagpapakatatag din para sa Daddy nila. Pero si Vhong kasi, ayaw niyang ipakita na hirap siya sa mga anak niya. Pero okay naman, nagkakatulungan kaming lahat.” 

At para sa dating asawa ni Vhong, ipinaubaya na rin niya sa husgado ang katotohanan sa magiging laban ng dating mister. 

“Of course, we stand by Vhong. We know the truth will prevail and naniniwala talaga kami na walang kasalanan si Vhong” 

Tulad naman ng kanyang suporta kay Vhong, buo rin ang suporta ni Bianca para kay Tanya na hinaharap ngayon ang pagsubok sa kanilang relasyon bilang mag-asawa.

RELATED NEWS: Asawa ni Vhong Navarro, nagsalita na: ‘Hindi ako pumasok sa commitment sa kanya for nothing’

“We’re super in good terms in a way na friends kaming lahat, ako personally talk to her, kinakamusta ko siya palagi ‘coz I know, mahirap rin talaga ang pinagdaraanan niya. Parang pag naiisip ko nga na kung ako pa rin ang current wife niya, baka nabaliw-baliw na ako. Pero alam ko ko na strong rin si Tanya and she needs all the support she could get especially from us kasi family talaga kami so ayun suportahan talaga kaming lahat lalo na para sa mga bata and nagtutulungan para palakasin ang loob ni Vhong,” pahayag ni Bianca. 

Personal na nakapanayam ng PUSH at ng TV5 si Bianca sa Ormoc City, Leyte kung saan tumatayo si Bianca bilang talent manager ng ilang talents na nakisaya sa iba’t ibang programa ng bayan para sa Ormoc Diamond Jubilee year. 

Sa muli, umaasa ang pamilya at mga mahal sa buhay ni Vhong na lumabas ang katotohanan at malampasan nila ang hinaharap na hamon na ito sa kanilang buhay.