• Home
  • Fresh Scoops
  • Lubos ang pasasalamat ni Baron Geisler sa nagging mainit na pagtanggap sa kanyang pelikula na “Doll House.”

Baron Geisler’s ‘Doll House’ No. 1 na rin sa Qatar at UAE; netizens nagbahagi ng mga natutunan sa pelikula

Lubos ang pasasalamat ni Baron Geisler sa nagging mainit na pagtanggap sa kanyang pelikula na “Doll House.”

Baron Geisler’s ‘Doll House’ No. 1 na rin sa Qatar at UAE; netizens nagbahagi ng mga natutunan sa pelikula-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2022 10:31 PM
Baron Geisler’s ‘Doll House’ No. 1 na rin sa Qatar at UAE; netizens nagbahagi ng mga natutunan sa pelikula
Photo credits: @baron.geisler on Instagram

Hanggang ngayon ay overwhelmed at hindi pa rin makapaniwala ang aktor na si Baron Geisler sa naging pagtanggap ng mga Pilipino sa pelikula niyang Doll House na ilang araw ng No. 1 sa Netflix Philippines.

Labis ding ikinatuwa ni Baron na maging sa ibang bansa tulad ng Qatar at UAE kung saan marami mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan ay No. 1 na rin ang Doll House.


“I am so blessed and very thankful sa mga nangyayari. God is amazing!” bulalas ni Baron.

“Maraming salamat sa mga kababayan nating Pilipino worldwide sa panonood sa aming maliit na pelikula,” sabi pa niya.

Ang Doll House ay #2 sa Kuwait, #3 sa Bahrain, #5 sa Saudi Arabia, #6 sa Hongkong, Oman, and Singapore at #8 naman sa Taiwan.

Libu-libo rin ang reaksyon ng netizens na nakapanood na ng pelikula. Ang ilan dito ay nire-repost pa ni Baron at ang iba naman sinasagot pa ng aktor.

Katulad na lang ng Facebook post ng male netizen na nagsabing: “I will watch Doll House because of Baron’s personal life: He has a colorful past. He was found guilty and received jail sentence multiple times. Alcohol, depression, and drugs almost destroyed his life.”

READ: ‘Doll House’ answered prayer para kay Baron Geisler: ‘Been on my knees praying for something like this to happen’

“Tried to change himself when he went to rehab multiple times, but to no avail.  And now, he has a new family and promising career in front of him. If Baron could start again, what hinders you from restarting your life now?” dagdag pa ng nasabing netizen.

Kasunod nito ay nagbahagi rin ang netizens ng ilang bible verses.

“And so, we are left with two options: 1. Let the opinions of others and yourself ruin and limit your life. 2. Let the truth of what God says fuel you to live your best life. he choice is ours,” ani ng netizen.

“But remember: you are not your past; you can take back your life, and you have a chance to live your best life now! Thank you for your life lodi. Inspiration ka to many, including me to start afresh,” lahad ng netizen.

Reaksyon naman dito ni Baron: “I am touched by this. Yes, only by His grace. We can’t do it alone. Grateful to the people who understood me and never gave up on me.”

“This movie is God’s way of touching the heartstrings of His people. That’s how I see it. It’s not because of us, it’s all because of Him,” dagdag pa niya.

May netizen din na nag-impart ng lessons na natutunan niya sa buhay pagkatapos mapanood ang Doll House.

Ani ng netizen: ”Prioritize your family. Friends come and go, but family stays forever. There's no perfect Dad. They commit mistakes too.”  

“Sir Baron Geisler, may your movie inspire each and every family who are going through the same problems,” dagdag pa ng netizen.

READ: Baron Geisler posts ‘may asim pa’ topless photos

“Hanggat buhay tayo, wag matakot bumawi sa sarili natin at sa mga mahal natin sa buhay,” pagpapatuloy pa nito.

Post naman ng isang netizen about lessons taken from the movie.

“1. Your mind might forget but your heart never ever… 2. Good memories will lead you back and it will last…3. Pain is inevitable, don't let it eat you. 4. Never be afraid to try even if you fail, at least you did your best. 5. You should make ways when you really want something. 6. Stick with your family.”

Ayon naman sa misis ni Baron na si Jamie Marie Geisler, ang Doll House ay ipinapalabas din sa ilang rehabilitation facilities sa bansa para maka-inspire ng mga taong naging kagaya noon ni Baron.

“The congratulatory messages have been overwhelming. We are glad that the film Doll House is not only entertaining but inspiring too. Several rehab facilities did a film showing for their clients and we received very positive feedback,” ani Jamie.

“Most of them can really identify with Rustin / Tito Clyde. May we continue to spread the message of hope and be more kind & compassionate to one another,” dagdag pa nito.

Ang Doll House ay mula sa Mavx Productions, Inc. at sa direksyon ni Marla Ancheta. Kasama ni Baron sa pelikula ang child star na si  Althea Ruedas.