• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeli Khang has shown big improvement as an actress in her latest film.

Angeli Khang reveals ‘Selina’s Gold’ sexiest film she’s ever done with Jay Manalo

Angeli Khang has shown big improvement as an actress in her latest film.

Angeli Khang reveals ‘Selina’s Gold’ sexiest film she’s ever done with Jay Manalo-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2022 10:19 PM
Angeli Khang reveals ‘Selina’s Gold’ sexiest film she’s ever done with Jay Manalo
Photo credits: @angelikhang_on Instagram (left)

Third time na ni Direk Mac Apejandre na makatrabaho ang sexy star ng Viva na si Angeli Khang. Unang naidirek ni Mac si Angeli sa Silip Sa Apoy which garnered him the best director award in Romania, na nasundan ng series na Wag Mong Agawin Ang Akin.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)

Ayon kay Direk Mac, malaki raw ang naging growth ng dalaga bilang aktres sa pinakabago niyang pelikula na Selina’s Gold.


“Si Angeli kasi may gift siya, eh. Ang numero unong armas ng isang artista ay pusong sensitive sa iba’t ibang uri ng emosyon. Pusong bukas dahil  pag bukas ang puso mas madaling lumabas ang katotohanan nito,” ani Direk Mac.

READ: Get to know sexy actress Angeli Khang

“’Yun ang nakita ko sa una naming pag-uusap ni Angeli kahit hindi pa kami nagsisimula no’n sa Silip Sa Apoy. At napatunayan ‘yun nung nagtrabaho kami sa Silip. After Silip, we did a series together and itong Selina’s Gold mas mahirap ito. 

“Mas mahirap na role ang Selina’s Gold kumpara sa mga nagawa na niya. Mas mahirap ito kasi ms malaki ang demand sa karakter niya. Ang growth niya ay hindi lamang sa mas magaling siya ngayon. Magaling naman talaga siya. It’s just that kalangan ilabas ‘yun,” aniya.

“Kailangan may platapora, may tamang material at may tamang pagkakataon o may opportunity para ilabas yon. And I think Selina’s Gold is one  of the opportunities para maipakita niya yung lawak, the range ng kanyang kakayanan bilang artista,” dagdag pa niya.

“Kasi mas malawak ang range ng requirement ng emotional, psychological, physical range na kinakailangan para sa pelikula,” dire-diretsong paliwanag ni Direk Mac about his observation kay Angeli.

Panay naman ang pasasalamat ng Filipino-Korean sexy star sa direktor sa mga natanggap niyang papuri.

“Ibang-iba nga po yung Silip Sa Apoy dito sa Selina’s Gold. Sobrang intense po nito and more on speaking siya na malalalim kasi period film siya. And with the guide of Direk, ‘yung mga malalalim na words na minsan hindi ko nasasabi ng tama or minsan kapag sinasabi ko ang pale lang niya since hindi ako masyadong magaling mag-Tagalog nang talagang malalalim. Pero with the explanation of direk, thankfully, nagawa ko ‘yung mga scenes na ‘yun,” aniya.

“Sobrang honored po ako and sobrang thankful din sa kanya kasi nakita ko kung paano niya ako tutukan do’n pa lang sa first project namin. Pero hindi lang naman po ako ‘yung nakakatanggap ng treatment na ganun, lahat naman kami sa set ganun niya i-treat. Sobrang gaan niyang katrabaho, sobrang saya ng set, we’re like one big family sa shoot and thankful ako na naging part ako nun,” dagdag pa niya.

Samantala, muli ring makakasama ni Angeli sa Selina’s Gold ang beteranong aktor na si Jay Manalo. Magkakaroon din sila ng intense love scenes sa pelikula.

“Since third time na namin ito ni Kuya Jay Manalo, I’m now very comfortable with him. This is the sexiest work we’ve done so far. Sa trailer pa lang, marami nang na-shock,” ani Angeli.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)

Tungkol saan nga ba ang Selina’s Gold?

“The story is based on whispered tales tungkol sa panahon ng Hapon, ng giyera. It was a harsh time for Filipinos. Karamihan sa atin kumapit sa patalim para mag-survive. ‘Yun ang inspiration,” aniya.

“Matagal na itong story na ito pero hindi ko magawa-gawa. Until Viva asked me to re-pitch it to them. This time, sinwerte. Nabigyan ng go signal,” saad ng direktor.

READ: Half-Korean actress Angeli Khang on joining showbiz: ‘I left my school dahil isang opportunity lang ito’

May pressure ba kay Angeli at Direk Mac na higitan ang naging expectations ng tao sa mga nauna nilang ginawang project?

Tugon ng director: “Ako, ang pinakalayunin ko ay ang makagawa ng magandang pelikula. So, hindi ko iniisip ‘yung ratings. Naniniwala ako na kapag maganda ang pelikula ,marami ang manonood. So. doon ang focus ko.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)

“Hindi ko rin po tinitignan yung aspect na ‘yan. Ang gusto ko lang po makagawa ng magandang pelikula at maging better actress po,” sagot naman ni Angeli.

Mapapanood ang Selina’s Gold sa Vivamax simula October 28.