• Home
  • Fresh Scoops
  • Jane de Leon’s mom Marie admits she’s affected by the recent fake news involving her daughter.

EXCLUSIVE: Jane De Leon’s mom says ‘naiintindihan ni Jane ang bashers’

Jane de Leon’s mom Marie admits she’s affected by the recent fake news involving her daughter.

EXCLUSIVE: Jane De Leon’s mom says ‘naiintindihan ni Jane ang bashers’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/15/2022 11:50 AM
EXCLUSIVE: Jane De Leon’s mom says ‘naiintindihan ni Jane ang bashers’
Photo credit to @imjanedeleon Instagram

Aminado ang mommy Marie de Leon ng modern day Darna na si Jane De Leon na hindi maiwasang malungkot at maapektuhan siya kapag binabato sa anak niya ang kung anu-anong akusasyong na hindi naman totoo.

Sa exclusive interview ng PUSH kay Mommy Marie ay ibinahagi nito kung anong klaseng anak si Jane, kung paano niya hinaharap ang mga panlalait ng bashers, at kung ano ang mga nagiging epekto nito sa pagkatao ng dalaga.

Naibahagi rin niya sa PUSH ang mga naging pagbabago sa buhay nila nang maging Darna si Jane at inaming nagkaroon siya ng regret nang payagang pasukin ni Jane ang showbiz dahil sa dami ng intriga.


PUSH: “Bilang isang ina, naaapektuhan ka pa ba kapag ginagawan ng maling kuwento ang anak mo para lang sirain ang pagkatao nito?”

Mommy Marie: “As a mom, normal lang siguro na maapektuhan ako whenever there's something bad or anything negative na nababasa o naririnig ko about Jane.

“Siyempre, sinusubukan ko rin naman maging okay emotionally para sa anak ko kasi isa ako sa pinaghuhugutan nya ng lakas.

“I sometimes feel bad for her kapag may mga taong hinuhusgahan siya agad ng di inaalam kung ano ang totoo at pinagmulan ng tsismis o kuwento, dahil more than anyone else, ako ang mas nakakakilala sa anak ko.

“She has a good heart at hindi mapagpatol sa kahit anumang paninira sa kanya. Pero naintindihan ko rin naman na sa trabaho ni Jane, hindi lahat mapi-please mo kahit anong pakikisama at galing mo sa ginagawa mo.”

Jane De Leon’s mom says ‘naiintindihan ni Jane ang bashers’

BASAHIN: Jane de Leon hindi totoong nag-inarte at pa-diva sa isang provincial show

PUSH: “Sa nakikita mo sa kanya, apektado rin ba siya ng mga negative issues?”

Mommy Marie: “Dati oo. Di niya maiwasang maapektuhan since hindi nga siya sanay sa mga bashing at negative feedback. Pero ngayon na nakapag-adjust na siya at mas naintindihan niya na ang takbo ng industriya. Mas inunawa niya ang mga bashers niya at kung saan sila nanggaling.

“She just wants to stay positive at mas bigyan ng importansya ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya. Malaking factor din dito ang mga fans niya na palaging nandyan for her, tinatangkilik ang kanyang show at ipinagtatanggol siya. Ang ultimate goal niya ay ang makatulong at makapagpasaya ng mga tao through her work.

PUSH: “Ano ang ina-advise mo kay Jane on dealing with negative issues lalo na kung hindi talaga ito totoo?”

Mommy Marie: “Actually, kahit di naman niya kailangan ng advice ko sa mga bagay na to, pinapayuhan ko pa rin siya kahit papaano, sort of a reminder lang.

“She knows naman how to handle criticisms and deal with all the negative issues she encounters in showbiz. She's very mature and responsible, and I always trust her in that aspect.”

PUSH: “Kumusta si Jane ngayong super sikat na siya bilang Darna? May napansin ka bang pagbabago sa kanya?

Mommy Marie: “Jane is still the same person na minahal at nakilala ng mga tao since she became an artist in ABS-CBN hanggang ngayong siya na si Darna. She remained simple, humble, and compassionate.

“Walang nabago sa pagkatao, ganun pa rin siya though sometimes nami-misunderstood siya dahil nga sa tahimik siya dala na rin ng pagiging introvert niya.

“Pero lumalabas ang kanyang pagiging makulit at maligalig when she feels comfortable na sa mga nakakasama niya. Proud ako sa kung ano siya noon at ngayon.”

BASAHIN: ‘Darna’ star Jane de Leon surprises jeepney drivers and passengers in Makati

PUSH: “Wala ka bang regret na pinayagan mong pasukin ni Jane ang showbiz?”

Mommy Marie: “There came a time in our lives na I regretted for letting her join showbusiness. There were times kasi na sobrang gulo ng buhay namin at pati na relationship namin sa bawat isa naapektuhan na rin. But we were just so thankful because with God's grace and guidance, we were able to bounce back because He took control of the situation.

“Being a sole parent, wala naman akong hangad kundi ang makitang maayos ang buhay ng mga anak ko. Yung matupad nila ang mga pangarap nila through patience and hard work. We always take pride to whatever achievements and success our children have. Their happiness is our happiness also kasi kung pakiramdam nila nag-fail sila at hindi naging maayos ang sitwasyon dahil sa ginawa nila, tayo pa rin naman ang nandiyan para yakapin sila at tanggapin at sabihing ‘it's alright, you will be fine, try ka na lang uli.’

“Gradually, unti-unti naman ng natutupad ni Jane ang mga pangarap niya sa buhay. At sa mga nangyari ngayon sa career niya at sa family namin, puro lang kami pasasalamat at pagpupuri sa Panginoon at wala ng room for any regret or negativity sa totoo lang.”

Samantala, busy pa rin si Jane sa taping ng Darna na papasok na sa cycle 6. Mapapanood ang Pinoy hero series sa Kapamilya channels all over the world.