• Home
  • Fresh Scoops
  • Malaking pasasalamat ni Baron Geisler sa suporta na natanggap ng kanyang Netflix movie na ‘Doll House’.

‘Doll House’ answered prayer para kay Baron Geisler: ‘Been on my knees praying for something like this to happen’

Malaking pasasalamat ni Baron Geisler sa suporta na natanggap ng kanyang Netflix movie na ‘Doll House’.

‘Doll House’ answered prayer para kay Baron Geisler: ‘Been on my knees praying for something like this to happen’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/15/2022 12:58 PM
‘Doll House’ answered prayer para kay Baron Geisler: ‘Been on my knees praying for something like this to happen’
Photo credit to @baron.geisler Instagram

Nasa number one spot pa rin hanggang ngayon sa Netflix Philippines ang pelikulang Doll House na pinagbibidahan ni Baron Geisler na  nagsimulang ipalabas noong October 7, 2022. Kasama ni Baron sa pelikula ang child actress na si Althea Ruedas. Bukod tanging ang Doll House ang nag-iisang Pinoy movie na nasa Top 10 Movies ng Netflix.

“Maraming salamat po sa inyong lahat at dahil po sa inyo ay nag #1 po kami sa Netflix at nag trending pa ang #DOLLHOUSE. To God be the glory, honor, and praise!!” ani Baron sa kanyang Facebook post bilang pasasalamat.

Bukod sa pagiging No. 1 sa Netflix ay bumuhos din ang mga papuri ng netizens kay Baron sa napakahusay nitong pagganap sa karakter ni Clyde/Rustin sa Doll House. Lahat sila ay sinasabing bukod sa talagang pinaiyak sila ni Baron ay pang-best actor ang naging performance niya sa movie na idinirek ni Marla Ancheta.


Maging ang aktor at dating kasamahan ni Baron na si Paolo Contis sa programang Tabing Ilog ay napamura nang mapanood niya ang Doll House. Kaagad niyang inilabas sa social media ang naging reaksyon niya after watching the film.

“Pun¥€t@ ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong mga emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo!” post ni Paolo.

“Congrats brother! Proud of you! #DollHouse Netflix #IyakReveal,” mensahe pa ni Paolo kay Baron.

BASAHIN: ‘God restores’: Baron Geisler, wife patch things up

Ni-repost naman agad ito ni Baron at nagpasalamat kay Paolo.

“Love you Paolo Enrico Contis!! Next goal is to have a Mavx Productions, Inc. movie with you Bestfriend!! Di ko kinaya Yung t-shirt.

“Alien ka alien!!! Yakap men!!! Ikaw isa sa inspiration ko habang ginagawa ko ‘to. Secret lang natin ha.. hihihi Also salamat sa mga career advice,” sabi pa niya.

Pinuri rin ni Ogie Alcasid ang husay ni Baron sa kanyang Instagram post na kaagad namang ni-repost ng actor sabay pasalamat sa OPM legend sa kantang “Pangako” na ginamit nila sa Doll House.

Ani Baron, “To the man behind the song #Pangako Mr. Ogie Alcasid and sa asawa nyo po na si #SongBird Ms. Regine Velasquez-Alcasid maraming salamat po sa tulong at suporta na ibinigay nyo sa amin ng Mavx Productions, Inc. I don't think our movie will hit the heartstrings of many Kung hindi po ito ang OST ng #DOLLHOUSE. How I wish mayakap ko po kayo ngayon.”

Pinasalamatan din niya ang interpreter ng ng kantang “Pangako” na ginamit sa movie, ang buong production team, at siyempre ang cast ng Doll House.

“Also big thanks to Ms. Svetlana Jalosjos De Leon for singing this song na ginamit for our happy and dramatic scenes. For me si God ang nag orchestrate po ng lahat kaya lahat nag fit… Mula sa casting producing Liz Tuason Erwin Blanco sa sound tech Christian Felipe, Tano Cortez, Light Director Tom Redoble, Director Marla Ancheta, writer Onay Sales #TeamMavX salamat sa tiwala at chance na ito. Been on my knees praying for something like this to happen,” pahayag pa ng award-winning actor.

“Dami nagsasabi o magaling, may award ganon. Ito po, kayo po ang biggest award na na recieve ko. Reward na nakatrabaho ko kayong lahat. I am grateful. Tagos sa puso di sa utak. Praise God and a big hallelujah to our good Lord!!!! Pangako, di nya tayo iiwan at bababayaan,” mensahe pa ng award-winning actor.

BASAHIN: Baron Geisler posts ‘may asim pa’ topless photos

Lahat din ng mga co-actors ni Baron, mga kaibigan sa showbiz industry  at netizens ay very proud din sa latest achievement ni Baron.

“It’s a good role. A lot of people, like my co-actors, tell me, ‘Baron, this is your second wind. Please keep it up. We’re very proud of you. Siyempre, thank you very much talaga sa muling pagtitiwala,” saad ni Baron.

Samantala, Doll House is a story about a rock band singer trying to rekindle the relationship with his long-lost daughter. Kasama rin sa cast ng ng trending movie sina Mary Joy Apostol, Phi Palmos, Alwyn Uytingco, Ricardo Cepeda, Katreena Beron, at Izah Hankammer.