• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Crisanto Aquino, nagpapasalamat sa tulong ng cast para maggawa ang mga sexy scenes.

‘Relyebo’ director Crisanto Aquino aminadong nangapa sa paggawa ng sexy scenes

Director Crisanto Aquino, nagpapasalamat sa tulong ng cast para maggawa ang mga sexy scenes.

‘Relyebo’ director Crisanto Aquino aminadong nangapa sa paggawa ng sexy scenes-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/15/2022 02:25 PM
‘Relyebo’ director Crisanto Aquino aminadong nangapa sa paggawa ng sexy scenes

Sa advanced screening ng pelikulang Relyebo starring Christine Bermas, Jela Cuenca, and Sean de Guzman ay inamin ni Direk Crisanto Aquino na medyo nahirapan siya sa unang sabak niya bilang sexy film director. Mas gamay kasi ni Direk Cris ang genre ng romantic comedy tulad ng award-winning film niyang Write About Love na siya rin mismo ang sumulat ng script.

‘Relyebo’ director Crisanto Aquino aminadong nangapa sa paggawa ng sexy scenes

‘Relyebo’ director Crisanto Aquino aminadong nangapa sa paggawa ng sexy scenes


Sa naturang pelikula na pinagbibidahan nina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Joem Bascon, at Yeng Constantino ay walang sex element kasi nga wholesome ito.

“Kinakabahan talaga ako. Frst time kong gumawa ng may love scenes at sex scenes. So, look test pa lang ay nag-ask na ako sa tatlo (Sean, Christine, at Jela), na tulungan ako,” pagtatapat ng Relyebo director.

“For example, kapag sinabi ko bang kainin mo yung ano niya, okay lang ba yon? Didikit ba talaga yan sa bibig o mukha? So, may mga bagay akong hindi alam. Pero nagulat ako nang ginagawa na namin, ganoon pala yon,” natatawa niyang kuwento.

BASAHIN: Sean de Guzman hindi makapaniwalang naka-dalawang international best actor award na

Nagpapasalamat din siya sa cast dahil kahit nangangapa siya sa paggawa ng sex scenes ay naging very cooperative naman ng kanyang cast.

Aniya, “They gave their all talaga, eh. Na-shock ako and sabi ko, ‘Sh*t, ito ang gusto kong gawin!’ So, actors talaga ang tumulong sa akin para magawa namin nang maayos ang lahat ng love scenes.

“Sobrang credit sa kanila don sa part na yon‚—love scenes. Nagulat ako don, mabilis naman pala, akala ko ay mabagal.”

Dagdag na kuwento pa ng direktor, “Tinanong ko pa nga si Sean, ‘Kapag kinain mo ba si Jela, ilalagay mo ang legs niya sa balikat mo?’ ‘Oo naman direk, ako na ang bahala roon,’” sagot daw sa kanya ni Sean.

Sa tanong naman kina Sean at Christine kung kumustang katrabaho ang director, ani Sean, “Si Direk Cris, kapag nakatrabaho n’yo po siya, para kayong isang basketball team. Si direk is hands-on siya sa actors niya.

“Importante yon sa bawat detalye ng nuances ng mga aktor. So, kailangang makita yon and gina-guide kami talaga ni direk. Sobrang gaan lang ni direk makatrabaho, wala kaming naging problema.”

BASAHIN: Christine Bermas, sumabak sa kanyang unang girl-to-girl scene

Sabi naman ni Christine, “Sobrang hands-on talaga sa amin si direk sa set, specially sa mga drama scenes namin. Nandoon talaga si Direk to guide us, ako at si Sean.

“Kasi ako nag-oopen ako kay direk, kasi parang hindi ko kayang sumigaw nang sobra and sabi niya na parang i-feel mo lang yung karakter mo. Parang sabi niya, ‘Isipin mo na ito ang pinakagalit na moment mo,’ ganun.

“So, ginawa ko siya at isang beses lang ang take namin… Hindi niya kami pinabayaan, one hundred percent talaga na nandun si direk for us.”

Ang Relyebo na streaming na ngayon sa Vivamax ay istorya ng bagong couple na nagsisimula pa lang bumuo ng pamilya at mga pangarap sa buhay. But along the way ay may pagdaraanang pagsubok ang kanilang relasyon lalo pa sa part ng karakter ni Sean na gumaganap bilang security guard.