• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling magko-compete ang pelikula ni Sean De Guzman sa international film festival sa Nobyembre.

Sean de Guzman hindi makapaniwalang naka-dalawang international best actor award na

Muling magko-compete ang pelikula ni Sean De Guzman sa international film festival sa Nobyembre.

Sean de Guzman hindi makapaniwalang naka-dalawang international best actor award na-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/12/2022 04:14 PM
Sean de Guzman hindi makapaniwalang naka-dalawang international best actor award na

Dalawang international best actor awards na ang napanalunan ni Sean de Guzman para sa pelikulang Fall Guy na idinirek ni Joel Lamangan. Una siyang nanalo sa CHITHIRAM International Film Festival sa India na sinundan ng another best actor award sa Anatolian Film Awards in Turkey.

Hindi makapaniwala ang aktor na bida ng Relyebo na mapapanood sa Vivamax sa sunud-sunod na pagkilala sa husay niya bilang actor sa mga sinasalihang film festival sa ibang bansa.

“Parang hindi totoo. Hindi pa rin ako maka-paniwala,” bulalas ni Sean sa PUSH nang mainterbyu namin siya sa bahay ng manager niyang si Len Carrillo sa Cainta.


“Parang ang weird ng feeling kasi hindi ko naman ginawa yung pelikula para manalo ng award… Kung ano yung instructions sa akin ni Direk Joel habang nagsusyuting kami sinunod ko lang naman,” dagdag niyang pahayag.

BASAHIN: Sean de Guzman gets his first international best actor award in India

Ayon pa kay Sean, hindi rin siya sanay na nakakatanggap ng papuri.

“Hindi naman po kasi ako sanay na pinupuri, ganyan. Hindi ako sanay na pinapansin, kasi parang ano lang ako, eh – low key lang ako na tao. Parang gusto ko simple lang. So ngayon, kinikilabutan ako.

“Parang hindi ko natatanggap sa sarili ko kapag kunyari kapag may pumupuri sa akin. Pero na-appreciate ko yon kasi may nakakapansin at nakaka-appreciate din kung anong ginagawa ko at nakikita nila sa akin,” saad pa ni Sean.

Masarap daw talagang magkaroon ng international recognition pero sana daw ay mapansin din siya sa kanyang sariling bayan.  

Deklara ni Sean, “Oo naman Tito, siyempre… dito tayo natatrabaho, eh. Gusto ko ring ma-recognize dito, kasi siyempre iba pa rin kung saan tayo talaga nanggaling, di ba? Kumbaga, kung mare-recognize tayo dito bilang best actor o kahit ano pa mang award ibang pakiramdam yon kasi kapwa mo Pilipino yung nakapansin sa ‘yo, eh.”

Mas nako-conscious ba siyang umarte ngayong meron na siyang acting award?

“Actually Tito, pakiramdam ko parang pressured talaga ako,” pag-amin ni Sean. Kumbaga, kasi siyempre, mas may expectation sa ‘yo ang tao, eh, na dapat kong ipakita sa kanila, di ba?

“And part din naman po ng paggawa ng pelikula yung parang… minsan kasi inaalis ko sa utak ko na maging conscious kasi hindi magiging normal yung pag-arte ko, hindi magiging natural yung lalabas sa screen. Pinipilit kong gawin yon,” sabi pa ng aktor.

Magiging mapili na ba siya sa pagtanggap ng role ngayon?

Tugon niya, “I think ano, eh. Kasi parang… siguro nag-iiba na yung tingin mo do’n kapag kunyari nagbabasa ka ng script o ng istorya. Parang naghahanap ka na ng mas challenging na role.

“Hindi naman sa nagiging mapili, pero kasi parang nasa point na ako na parang gusto ko nang mas magandang story, ganyan. Gusto kong mag-grow. Parang gusto ko na meron pa akong mailabaas kumpara sa mga dati kong nagawa, na parang bago sa akin.”

BASAHIN: Sean de Guzman faces new challenge as a dramatic actor in Joel Lamangan’s ‘Fall Guy’

Iiwasan na rin ba niya ang paggawa ng sexy roles tulad sa mga pelikulang ginawa niya noon sa Vivamax?

“Ang usapang sexy po kasi Tito parang… siyempre hindi ko naman kakalimutan yon kasi diyan ako nanggaling. Parang ano lang, siguro kung may substance yung pelikula, kung may laman at kung ikakaganda ng pelikula game pa rin naman ako na gawin yon,” katwiran ni Sean.

Sa November ay muling magko-compete ang Fall Guy sa sa Barcelona Film Festival and Sean is looking forward na makarating doon kasama ng kanyang manager.

Ipinagdarasal din ng aktor na makapasok sa 2022 Metro Manila Film Festival ang kanyang pelikulang My Father, Myself na pinagbibidahan din nina Dimples Romana at Jake Cuenca, na mula pa rin sa direksyon ni Joel Lamangan.