• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagdiwang ni Melai Cantiveros ang kaarawan ng kanyang mister na si Jason Francisco.

Melai Cantiveros, may mensahe para sa kaarawan ni Jason Francisco

Ipinagdiwang ni Melai Cantiveros ang kaarawan ng kanyang mister na si Jason Francisco.

Melai Cantiveros, may mensahe para sa kaarawan ni Jason Francisco-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/12/2022 10:40 AM
Melai Cantiveros, may mensahe para sa kaarawan ni Jason Francisco
Photo credit to @mrandmrsfrancisco Instagram

Ipinagdiwang ni Melai Cantiveros ang kaarawan ng kanyang mister na si Jason Francisco.

Sa Instagram, isang mensahe ang ibinahagi ng Magandang Buhay host para sa kanyang kabiyak na nagdiwang ng kaarawan noong Martes, Oktubre 11.

“Happy Birthday to the Best Enemy I’ve ever have in my Life. I’ve never feel this hate and love collide in one collaboration. Hahahhah Char lang , mabuti nalang at tlagang Apaka buti mung Ama sa iyung mga anak dahil kung hindi tlagang, wala nang magiging collaboration ng Love and Hate, kundi hate nalang. Char lang,” ani Melai.

“Happy Bday Papang,” dagdag niya. “always remember mawala na lahat sayu andtu kami mananatiling mag iingay sa buhay mu.”

Sa comments section, nag-iwan din ng pagbati para kay Jason sina Regine Velasquez, Jolina Magdangal, Gab Valenciano, at Geneva Cruz.

READ: Melai Cantiveros, ibinahagi ang hiling para sa kaarawan ni Jason Francisco

Nakatakdang ipagdiwang nina Melai at Jason ang kanilang 9th wedding anniversary itong darating na Disyembre.

Matatandaang unang nagkakilala ang dalawa sa sikat na reality show na Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009.

Ikinasal sila noong Disyembre 2013 sa General Santos City at sa ngayon ay dalawa na ang kanilang anak – sina Amelia Lucille at Stela Rosalind.