Regine Velasquez at Ogie Alcasid, dumalo sa 80th birthday celebration ng ama ni Jhong Hilario

‘Walang kasing saya,’ ani Jhong Hilario.

Regine Velasquez at Ogie Alcasid, dumalo sa 80th birthday celebration ng ama ni Jhong Hilario-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/11/2022 11:09 AM
Regine Velasquez at Ogie Alcasid, dumalo sa 80th birthday celebration ng ama ni Jhong Hilario
Photo credit to @jhonghilario Instagram

Lubos ang pasasalamat ni Jhong Hilario sa mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid matapos nilang dumalo sa selebrasyon ng kanyang ama na si Virgilio Hilario Sr.

Sa Instagram, nag-post si Jhong ng mga retrato kuha mula sa 80th birthday celebration ng kanyang ama kung saan nagtanghal ang tinaguriang “Asia’s Songbird” at kanyang mister.

“To Sir @ogiealcasid and Ate @reginevalcasid ako at ang buong pamilya Hilario lalo na si Papa na nag-celebrate ng 80th bday ay walang kasing saya. Hanggang pag-uwi ng bahay ay hindi makapaniwala. Hindi sila makapaniwala na nasa harap nila kayo habang kumakanta,” ani Jhong sa kanyang caption.


“Maraming maraming salamat. We love you! God bless you more!”

Bukod kina Regine at Ogie, present din sa selebrasyon ang partner ni Jhong na si Maia Leviste Azores at kanilang baby na si Sarina Oceania.

Si Jhong at Ogie ay magkatrabaho bilang co-host sa sikat na ABS-CBN noontime program na It’s Showtime.

Samantala, dati na ring nakasama ni Jhong si Regine para sa isang special prod number sa It’s Showtime.