• Home
  • Fresh Scoops
  • Kailangan umanong pumila ni Pia Wurtzbach dahil mahaba-haba na ang mga listahan ng mga taong nag-aabang kay Joshua Garcia.

‘Walang Miss U dito’: Netizens, sinita si Pia Wurtzbach dahil sa komento nito kay Joshua Garcia

Kailangan umanong pumila ni Pia Wurtzbach dahil mahaba-haba na ang mga listahan ng mga taong nag-aabang kay Joshua Garcia.

‘Walang Miss U dito’: Netizens, sinita si Pia Wurtzbach dahil sa komento nito kay Joshua Garcia-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/11/2022 07:32 PM
‘Walang Miss U dito’: Netizens, sinita si Pia Wurtzbach dahil sa komento nito kay Joshua Garcia
Photo credits: @piawurtzbach on Instagram and @iam.joshuagarcia on TikTok

Isa si Pia Wurtzbach sa mga nahumaling sa TikTok video ng aktor na si Joshua Garcia. 

Sa isang video na ipinost ni Joshua sa TikTok, makikita itong sumasayaw ng “SPIN BACK!” ni Scottie Wop. 

READ: Joshua Garcia, Bella Racelis spotted holding hands


Sa ngayon, mayroon nang 15 million views ang nasabing dance video ni Joshua. 

Panoorin ang TikTok video ni Joshua sa ibaba: 

@iam.joshuagarcia PULL UP, PEW! #fyp #foryoupage ♬ SPIN BACK X SCOOTIE WOP UNRELEASED - Scootie Wop

Komento naman ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa nasabing video: “Nag open ako ulit ng tiktok para lang dito” May kasama pa itong iba’t-ibang emojis.

Tanging emoji naman na nakatakip ng mata ang reply ni Joshua sa komento ni Pia. 

Samantala, sinita naman si Pia ng ilang netizens. 

READ: Joshua Garcia reacts to Bella Poarch’s revelation that she has a crush on him

“walang miss u miss u dito...sa likod ka,” saad ng netizen na si @jessyballaran. 

Sey naman ng ilang netizens: “Ay, iba ka Joshua! Miss Universe 2015 yan!”

May ilan namang tinukso sina Joshua at Pia na mayroon nang “Bella” ang Kapamilya actor.  

Bagama’t walang diretsang tinukoy, duda ng ilan na ang napapabalitang girlfriend niya na si Bella Racelis ang tinutukoy ng ilan. 

Gayunpaman, marami ang natuwa sa dalawa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na engaged na si Pia sa kanyang longtime boyfriend na si Jeremy Jauncey. 

READ: ‘Pumila ka’: Netizens have hilarious reactions to Nicki Minaj’s comment on Joshua Garcia’s post

Hindi naman si Pia ang unang tao na natuwa sa TikTok video ni Joshua. Maging ang international star na si Nicki Minaj ay napansin na ito noon.