• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa pagbibigay ngiti sa mga manunuood, ibinahagi ni Vice Ganda ang kaniyang bagong misyon ngayong darating na Kapaskuhan.

PANOORIN: Maagang pasilip sa ‘Partners In Crime’ MMFF entry ni Vice Ganda at Ivana Alawi

Bukod sa pagbibigay ngiti sa mga manunuood, ibinahagi ni Vice Ganda ang kaniyang bagong misyon ngayong darating na Kapaskuhan.

PANOORIN: Maagang pasilip sa ‘Partners In Crime’ MMFF entry ni Vice Ganda at Ivana Alawi-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/10/2022 04:31 PM
PANOORIN: Maagang pasilip sa ‘Partners In Crime’ MMFF entry ni Vice Ganda at Ivana Alawi
Screenshot from Partners In Crime Teaser Trailer

Maagang payanig ang ipinasilip ng Star Cinema at ABS-CBN Films sa official teaser ng Metro Manila Film Festival movie entry ng Unkabogable Star na si Vice Ganda together with sexy-actress Ivana Alawi. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

Ito ang unang pelikula na pagsasamahan ng dalawang Kapamilya stars na bibida sa Cathy Garcia- Molina movie, ang Partners In Crime. 


Sa teaser na ibinahagi ng Star Cinema sa kanilang social media, makikita ang kakaibang look ni Ivana at Vice na pangungunahan ang MMFF movie entry. 

“The partnership na payanig naman sa inyo this Christmas!” captioned ng Star Cinema sa kanilang Instagram post. 

Ang Partners In Crime ay isa lamang sa unang apat na pelikula na opisyal na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival na magbubukas ngayong darating na Kapaskuhan. 

READ: Vice Ganda at Coco Martin balik-MMFF

Matatandaan na sa panayam ng PUSH at iba pang miyembro ng entertainment press, ibinahagi ng lead star nito na si Vice Ganda na isa sa mga misyon ni Vice ang pabalikin muli ang mga tao sa panonood ng mga pelikula sa loob ng sinehan bukod sa kaniyang pagpapasaya sa upcoming MMFF movie this year.

“Hinahanap na rin kasi ng katawan ko, ng sistema ko. Dati ang assignment ko patawanin ‘yung mga pamilya ‘pag Pasko. Ngayon, ang assignment ko naman ay ‘yung pabalikin sila sa sinehan ngayong Pasko,” ani Vice sa panayam. 

Bukod sa first time movie with Ivana, ito rin ang first time na magkakasama sa isang proyekto si Vice at ang blockbuster movie director na si Cathy Garcia-Molina na siniguradong riot sa kilig at saya ang kanilang handog sa mga manonood ngayong Kapaskuhan.

“Siyempre hindi na mawawala sa akin ‘yun I think as much as hindi mawawala kay Vice and Ivana ‘yung own brand nila, tingnan natin kung mag-wawagi ako, abangan niyo na lang,” pahayag ng direktor. 

Sa darating na December 25 mapapanood ang Partners In Crime at iba pang pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.