• Home
  • Fresh Scoops
  • Mula sa patutsadahan sa social media, tila maghaharap ngayon sa korte ang dalawang social media personality na si Glenda Victorio at Rosmar Tan.

‘PBB’ house guest at social media personality Glenda Victorio, nagsampa ng kaso laban kay Rosmar Tan

Mula sa patutsadahan sa social media, tila maghaharap ngayon sa korte ang dalawang social media personality na si Glenda Victorio at Rosmar Tan.

‘PBB’ house guest at social media personality Glenda Victorio, nagsampa ng kaso laban kay Rosmar Tan-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/10/2022 08:12 PM
‘PBB’ house guest at social media personality Glenda Victorio, nagsampa ng kaso laban kay Rosmar Tan

Tila hindi na nakapagtimpi ang successful businesswoman at social media personality na si Glenda Victorio sa mga paninira umano ng kapwa social media personality and businesswoman na si Rosmar Tan. 

Nitong Lunes, ika-10 ng Oktubre, dumulog sa Quezon City prosecutors office si Glenda kasama ang kaniyang legal team para pormal na maghain ng patong-patong na reklamo laban sa mga ikinakalat na paninira umano ni Rosmar sa social media laban sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)


Si Glenda ang owner ng Brilliant Skin Essentials habang si Rosmar naman ang nagmamay-ari ng Rosmar Skin Essentials na parehong naging matagumpay sa kanilang negosyo sa tulong ng social media at online selling. 

Ayon kay Glenda, hindi na niya kayang palagpasin ang sumosobrang mga banat umano ni Tan sa social media laban sa kanya lalo na są kaniyang pamilya. 

“Sa pagiging CEO naman kasi, sanay naman ako na marami talagang bumabangga są akin or marami talaga ‘yung naninira, pero para sa akin na nadamay na ang pamilya ko, lalo na ang mga anak ko, kasi bihira ko nga sila i-post e, hindi ko nga sila ipinapakita for our security tapos dahil lang sa gusto ka nilang pabagsakin or masira, kinakalat nila, so pag-family na dono talaga ako lalaban,” sambit nito sa harap ng entertainment press. 

Bilang aktibo rin sa social media, aminado si Glenda sa tulong ng kaniyang mga kaibigan online, nababasa niya ang lahat ng mga patutsada sa kaniya ng kapwa social media personality. 

“Actually sobrang dami, hindi lang siya sa Facebook, hindi lang siya sa YouTube, lalo na sa Tiktok, sobrang daming lumabas na screenshots, videos and tina-tag talaga nila ako, so lahat ng post niya tina-tag nila ako kaya nalaman ko na pinaparinggan na pala niya ako or pinapatamaan,” aniya.

Hindi rin aniya alam ni Glenda kung saan nag-uugat ang naging mga patutsada umano sa kaniya ni Rosmar na hindi rin niya personal na kakilala. 

“Sa online kasi, base sa mga nababasa ko, feeling niya kasi-pinapataaman siya kahit hindi naman siya pinapataaman, so i think ‘yun ang pinagsimulan niya” ani Glenda sa press, sabay sundot nang “Hindi kami personal na magkakilala.” 

Ayon sa legal council ni Glenda na si Attorney Gabriell Ilaya, minabuti na aniya ng kanyang kliyente na magsampa na ng reklamo mula sa matagal na pananahimik nito.  

“Marami na kasing series of post for the past month para kasuhan ni Ms Glenda, actually nagtitimpi na rin siya, matagal na rin siya nagtitimpi kung magpa-file nga ba, hanggang sa umabot na sa punto na nadamay na ang pamilya, nadamay na rin ang mental health niya, kaya minabuti na rin niya na mag-file na laban dito sa ating respondent,” paliwanag ng isa sa mga abogado ni Glenda. 

Ayon sa legal team ni Glenda, sapat ang kanilang mga ebidensya para sampahan ng patong-patong na kaso si Tan. 

“Right now  yberlibel at unjust vexation base sa mga na-post ng respondent natin. Para sa amin sufficient ang mga nakuha naming mga ebidensya mga screenshot at post so, ayun ang ibinigay namin sa korte,” paliwanag nito.

Dagdag naman ng isa sa mga legal team ni Glenda na si Attorney Garrett Tungol: “It hasn’t been kasi na single time na nag-post ‘yung respondent namin against Ma’am Glenda, in fact, marami siyang series of post again, like my co-council said no na ‘nagtitimpi’ lang si Madaam Glenda. Ang nag-trigger kasi is lumabas na ‘yung photographs ni Madaam Glenda, sinisiraan na ‘yung family niya and that where she cross the line,” 

Kung tatanungin naman si Glenda kung bukas ba siya sa posibilidad na pakikipag-ayos kay Rosmar, nais na lamang aniya ito ipaubaya sa magiging husga ng kanilang isinampang kaso. 

Sa huli, nagapasalamat naman si Glenda sa mga kaibigan na nagpahayag ng kanilang pagmamamahal at suporta sa haharapin niyang laban. 

“Yung ipinakita nila sa akin, simula noong nasa-hospital ako, bumuhos talaga ang pagmamahal nila sa akin at doon ko napatunayan na kahit pala mawala ako sa mundo, makikita ko ‘yung iniwan kong legacy sa mga tao, so nagpapasalamat aka sa kanila at kulang ang (salitang) salamat para maipahatid ko sa kanila na na-appreciate ko sila” pahayag ni Glenda. 

WATCH: Meet house guest Glenda Victorio - Ang Brilliant CEO ng Rizal | PBB Kumunity

Si Glenda Victorio ay mas lalong nakilala nang minsan siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga official housemate ni Kuya.