• Home
  • Fresh Scoops
  • Ultimate kilig ang ipinasilip nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa kanilang maagang pasilip sa 2022 MMFF movie entry.

PANOORIN: Coco Martin at Jodi Sta. Maria, kitang-kita ang chemistry sa ‘Labyu With An Accent’

Ultimate kilig ang ipinasilip nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa kanilang maagang pasilip sa 2022 MMFF movie entry.

PANOORIN: Coco Martin at Jodi Sta. Maria, kitang-kita ang chemistry sa ‘Labyu With An Accent’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/10/2022 05:16 PM
PANOORIN: Coco Martin at Jodi Sta. Maria, kitang-kita ang chemistry sa ‘Labyu With An Accent’

Kilig overload ang ipinasilip ng Star Cinema at ABS-CBN Films sa official teaser ng upcoming Metro Manila Film Festival movie entry ng nagbabalik MMFF na si Coco Martin kasama ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria na pangungunahan nila ang pelikulang Labyu With An Accent.

Ito ang unang pelikula na pagsasamahan ng dalawa sa bigating Kapamilya stars na first time magsasama sa isang proyekto.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post na ibinahagi ni Coco Martin, ramdam ang kilig at chemistry na angat na angat sa pagitan nila ng Kapamilya actress na si Jodi Sta Maria. 


“Get ready for the Ultimate Jowa Experience,” bahagi ng caption ni Coco sa kaniyang Instagram post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

Ang Labyu With An Accent ay isa lamang sa unang apat na pelikula na opisyal na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival na magbubukas ngayong darating na Kapaskuhan. 

READ: Vice Ganda at Coco Martin balik-MMFF

Matatandaan sa naging panayam ng PUSH sa naganap na story conference ng upcoming MMFF movie entry, ibinahagi ng award-winning Kapamilya actress ang kaniyang pananabik sa unang proyekto na pagsasamahan nila ni Coco Martin. 

“Ako naman sobrang thankful ko na mapabilang sa proyekto na ito and siyempre, makatrabaho ko si Mr. Coco Martin ‘di ba? Hindi ko lang siya leading man dito and first time na makakatrabaho ko siya bilang director and sobra akong excited na ma-direk ng isang Coco Martin na alam naman natin na napakataba ng utak at napakagaling na aktor,” ani Jodi.

Si Coco naman na siya ring direktor ng MMFF entry, ramdam ang kaba sa dahil unang beses niyang makakatrabaho si Jodi bilang leading man at bilang isang direktor. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Honestly ako as a co-actor ninerbyos ako kasi sobrang galing talaga ni Jodi, isa siya sa mga pinaka-magaling na aktres sa Pilipinas. Pero as a director, doon ako na-cha-challenge kasi alam kong matalino siya eh’, alam kong magaling siya eh, ang ina-ano ko lang ay kung paano kami mag-meet kasi sa umpisa talaga medyo mahirap, kasi Ibang iba ‘to,” sambit ng actor-director sa naging panayam natin. 

Extra special ang MMFF movie entry ni Coco at Jodi na personal pang dumayo sa USA para kuhanan ang ibang eksena ng kanilang pelikula na kanilang ibabahagi sa mga manonood ngayong darating na pasko. 

Sa December 25 magsisimulang ipalabas sa mga sinehan ang Labyu With An Accent at iba pang pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.