• Home
  • Fresh Scoops
  • Japanese singer-rapper Tomoro, gustong makilala siya ng mga Pinoy music fans.

Polo Ravales tinutulungan ang Japanese rapper na si Tomoro para sumikat sa Pinoy fans

Japanese singer-rapper Tomoro, gustong makilala siya ng mga Pinoy music fans.

Polo Ravales tinutulungan ang Japanese rapper na si Tomoro para sumikat sa Pinoy fans-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/01/2022 11:44 AM
Polo Ravales tinutulungan ang Japanese rapper na si Tomoro para sumikat sa Pinoy fans

Nasa Pilipinas nitong kasagsagan ng Bagyong Karding, September 25, 2022 ang Japanese rapper-singer na si Tomoro para i-promote ang kanyang musika sa Pinoy fans. Ang aktor na si Polo Ravales ang tumulong kay Tomoro para gawin ito.

Sa isang mediacon na ipinatawag ni Polo ay humarap si Tomoro sa ilang entertainment press at nakiusap na tulungan siya na makapag-establish din ng fanbase dito sa Pilipinas. Kaagad naming nilinaw ni Polo na hindi siya ang manager o Pinoy agent ng rapper artist. Nagkakilala lang daw sila nito sa pamamagitan ng isang common friend.


“Bukod sa pagiging artist niya may mga restaurants din siya sa Japan. Nung pinakilala siya sa akin sabi niya gusto niya daw magpatulong na makilala sa bansa so, ito, tinutulungan ko siya,” kuwento ni Polo

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paulyn Quiza (@pauquiza)

Sa interbyu ng PUSH kay Tomoro sinabi nito na madalas na siyang bumisita ng Pilipinas bago pa man mag-pandemic.  

“I’m a regular visitor. I like it here. The women are beautiful. The weather is always nice. People are very friendly,” aniya.

Ang debut single ni Tomoro titled “World Money” na ini-release noong February 2021 ay kaagad na gumawa ng kasaysayan sa hip-hop music scene.

Umabot siya sa number #1 sa Billboard Worldwide Digital Sales Chart, ang unang Japanese artist na gumawa nito.

Millions of hits din ang nakamit ng kanyang single sa mga digital streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music, iTunes Store, Deezer, at Tidal.

During the interview ay ibinihagi rin ni Tomoro ang kanyang naging humble beginnings sa Japan bago naging successful rapper at businessman.

Aniya, at 16 years old ay isa na siyang entrepreneur at streetside salesman sa Japan. At 24, na-achieve na niya ang kanyang dream life, complete with expensive cars, watches, accessories, and a lavish house.

Ang American rapper at actor naman na si Xzibit ang naging musical influence ni Tomoro.

BASAHIN: Polo Ravales is now a father

Samantala, kaka-release lang ni Tomoro ng kanta at music video entitled “Let Me Hold You”. Kasama niya rito ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz. The song is a collaboration between him and the American-Jamaican singer Sean Kingston.

“I know Filipinos love rap that’s why I want them to hear my music too. Arci Muñoz is a good friend. She likes music too so we decided to collaborate on the video,” saad pa niya.

Ipinagmalaki rin ni Tomoro na nakilala na rin niya ang ilang top rap artists ng bansa tulad nina Abra and the late D-Coy.

“I actually did a song with D-Coy before,” he said referring to the track he released earlier titled “Corona Virus.”

Born in Hokkaido and raised in Tokyo, natuto si Tomoro na mag-sulat in English para maabot ang wider audience.