• Home
  • Fresh Scoops
  • Halos tatlong dekada na ang ‘togetherness’ nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Gladys Reyes ibinahagi ang halaga ng tatlong ‘P’ sa matatag na relasyon nila ni Christopher Roxas

Halos tatlong dekada na ang ‘togetherness’ nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Gladys Reyes ibinahagi ang halaga ng tatlong ‘P’ sa matatag na relasyon nila ni Christopher Roxas-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/01/2022 09:12 AM
Gladys Reyes ibinahagi ang halaga ng tatlong ‘P’ sa matatag na relasyon nila ni Christopher Roxas
Photo credit: @iamgladysreyes Instagram

Isa ang showbiz couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas sa may matatag na relasyon. Hindi kailanman nanganib ang kanilang pagsasama at napabalitang muntik na silang maghiwalay.

Sa interbyu ng PUSH kay Gladys ay ibinahagi nito ang dahilan sa paakaroon ng matatag na relasyon bilang mag-asawa.

“Siguro hindi na po ito sikreto, lagi naming sinasabi, unang-una siyempre, panalangin talaga. Tried and tested po yan – yung panalangin,” simulang pahayag ni Gladys.


Binanggit din ni Gladys ang kahalagahan sa kanilang relasyon ng tatlong P.

“Prayers. Patience. Partnership. Yan ang palagi kong sinasabi, yung tatlong P na yan.,” pagbabahagi pa niya.

BASAHIN: Gladys Reyes and Christopher Roxas celebrate 29 years of being together

Patuloy ni Gladys, “Tons of patience, kasi hindi puwedeng hindi kayo magkakainisan kahit gaano na kayo katagal o bago man kayo sa isang relasyon. Darating talaga yung point na parang naiinis ka, ayaw mong makita.

“Pero biglang, di ba, after few hours okey na naman, ganyan. Ganun lang talaga, eh, wala namang perpektong relasyon.

“Ang partnership naman parang negosyo din, di ba? Inaalagaan niyo yung inyong relasyon bago niyo ’ika nga makuha yung tubo nito. At siguro isa rin talaga yung we respect each other’s individuality.

“Sa amin kasi hindi na isyu yung, ‘Oh, patingin ng cellphone mo.’ Wala na pong ganun. Hindi na kami nagtsetsekan ng cellphone because ando’n nga siyempre yung tiwala.”

“Kasi para sa akin ibig bang sabihin hindi na yan magluluko dahil tsinitsek mo yung phone niya, di ba? Kung magloloko yan, magloloko, eh. Pero sinong magdadala no’n, di ba, kapag ka nagloko ang isang tao? Hindi lang naman natin sinasabi na yung lalaki lang kasi puwede rin namang yung babae.

“Siyempre di ba maka-karma naman kung sino yung magloloko na yon. Kaya sa amin po mas yung tiwala yung nangingibabaw. At saka siyempre po yung faith napakalaking bagay po sa relasyon naming mag-asawa,” katwiran pa ng aktres.

BASAHIN: Gladys Reyes and Christopher Roxas celebrate 17th wedding anniversary

Ayon pa kay Gladys, hindi rin daw naging option sa kanilang dalawa ni Christopher ang maaghiwalay kapag may pagkakataong sinusubok ang kanilang relasyon. Pakiramdam din niya ngayon ay mas tumatag pa at sumarap ang kanilang pagsasama.

“Never naging option yung… kahit gaano ka kainis kahit na yung pagsubok na dumating  sa inyong relasyon ay napakatindi, never na magiging option yung hiwalayan.

“Kasi nga po nakahawak kami do’n sa doctrine namin sa church, eh, na yon ang hindi talaga puwedeng maging option kaya siguro until now ay masasabi ko po at proud ako na parang mas lalo pa yatang tumatag, sumarap ang pagsasama naming mag-aasawa. At salamat sa Diyos dahil alam naming isa rin talaga yon sa ipinanalangin namin,” pahayag ng magaling na kontrabida.

Ipinagmalaki rin ni Gladys na sa susunod na taon ay magdiriwang na sila ng ika-30th year of togetherness ni Christopher at 18th wedding anniversary naman nila.

 “Can you believe it, we’re now on our 29th year of togetherness. On January 2023 we will be celebrating our 30th year of togetherness,” pagmamalaki pa ng host ng programang Moments.