• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa isang vlog ipinakita ang gender reveal party na ginanap para sa first baby ni Winwyn Marquez.

Joey Marquez natupad ang wish na baby girl ang maging unang apo kay Winwyn

Sa isang vlog ipinakita ang gender reveal party na ginanap para sa first baby ni Winwyn Marquez.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/07/2022 05:59 PM
Joey Marquez natupad ang wish na baby girl ang maging unang apo kay Winwyn
Photo credit to @teresitassen Instagram

Babae ang magiging anak ng beauty queen-turned-actress na si Winwyn Marquez. Ito ang kanyang ini-reveal sa kanyang bagong vlog sa YouTube na may title na “Gender Reveal — Thank you 2021!”

Sa naturang video ay kasama ni Winwyn ang kanyang non-showbiz partner na may hawak na black balloon. Nang paputukin na ito ni Winwyn ay bigla itong nagbuga ng pink na usok na may kasama pang confetti na sumisimbolong baby girl ang kanyang magiging anak.

Makikita rin sa naturang vlog na niyakap ng dating beauty queen ang kanyang mga kapatid na sina Jeremy, Yeoj, at Vitto, at ang parents na sina Joey Marquez at Alma Moreno nang ma-reveal ang gender ng kanyang baby.


Mapapansin sa vlog ni Winwyn na sinadyang tinakpan (blurred) ang mukha ng kanyang boyfriend. Pinanindigan talaga ng aktres na kahit sa gender reveal ng kanilang baby ay itinatago pa rin niya ang identity ng tatay nito.

READ: Winwyn Marquez, nagbigay pa ng ibang detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis

Anyway, ibinahagi rin ni Winwyn ang naturang kaganapan sa kanyang followers sa Instagram account.

“Page 365 of 365. 2021 gave me the best things despite our situation now…

“Aside from the blessings I received from work, God gave me a partner who gives me infinite love and support and a baby to complete our family,” caption niya.

Nagbigay din siya ng mensahe sa magiging anak niya.

“We can’t wait to meet YOU my love! Happy New Year everyone!!” sabi pa niya.

Tuwang-tuwa naman si Joey Marquez nang malamang baby girl ang ipinagbubuntis ni Winwyn. Ito kasi talaga ang wish ng beteranong aktor na maging unang apo niya kay Winwyn.

READ: EXCLUSIVE: Winwyn Marquez recounts anxiety attack during marine reservist training

Matatandaang sa ginanap na presscon ng kanyang Metro Manila Film Festival entry na Nelia nang inamin ni Winwyn na buntis siya.

“I am expecting… I am on my way to my second trimester.

“Hanggang hindi pa sure lahat, I wanted to keep it for me and for my family to enjoy muna.

“I took it siguro as a sign na lang din na i-share kasi ang hirap din naman talaga itago. Kailangan ko rin talaga tulungan ’yung film na i-promote kahit online,” pahayag noon ni Winwyn.