• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Direk Brillante Mendoza ang nagsisilbing mentor ni Vince Rillon.

Vince Rillon ibinahagi ang mga payo sa kanya ni Coco Martin

Si Direk Brillante Mendoza ang nagsisilbing mentor ni Vince Rillon.

Vince Rillon ibinahagi ang mga payo sa kanya ni Coco Martin-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/06/2022 03:15 PM
Vince Rillon ibinahagi ang mga payo sa kanya ni Coco Martin

Tinuturing na one of the most important and serious Filipino actors to watch for in 2022 si Vince Rillon. Ang 23-year-old actor na bida sa pelikulang Siklo ni Direk Roman Perez Jr. na streaming on Vivamax simula January 7, ay nagsimula sa paggawa ng mga indie films. Siya protégé ng internationally acclaimed director na si Direk Brillante Mendoza.

Vince’s first foray into acting was in the Isabel Huppert-led film Captive noong 2012 which competed in Berlin and was directed by Mendoza. Kasama rin si Vince sa Cannes 2016 winner na Ma’Rosa at sa Mindanao na nanalo sa Cairo International Film Festival noong 2019.

Coco Martin film, tapos na ang shooting


Paano ba binago ng pag-aartista ang buhay niya?

“Dati aaminin ko na parang hindi pa ako masyadong seryoso sa ginagawa ko, pero habang tumatagal, habang nagkakaroon ako ng chance na makatrabaho ang ibang actors, na-embrace ko na rin yung craft. Masarap palang maging aktor kasi natututo po ako sa mga characters na ginagawa ko, kapag nire-research ko.

“Natutunan ko rin sa mga nakakatrabaho kong  mga artista kung gaano nila pinapahalagahan ang trabaho nila. Kumbaga po, mas lumawak yung pag-intindi ko sa ganitong propesyon,” tugon ni Vince sa exclusive interview ng PUSH sa kanya.

Isa rin ang aktor na si Coco Martin sa minentor ni Direk Brillante nung nagsisimula pa lang ito sa industriya, nakikita ba niya ang sarili na magiging katulad din ni Coco in the future?

Sabi ni Vince, “Naku, hindi po. Kase iba si Coco. Iba po ang Coco Martin at nag-iisa lang siya.

“Siguro po kahit 1/8 lang ang marating ko do’n sa narating niya, okey na okey na po ako doon.”

Nakatrabaho na ni Coco si Vince sa Kapamilya action series na FPJ’s Ang Probinsyano. Ano ba ang advice na binigay sa kanya ng actor-director?

“Naku marami po. Tagos po sa puso yung mga advice niya sa akin. Hindi ko na lang po iisa-isahin lahat,” lahad ng binata. “Isa na po don yung wag daw masyadong masaya. Ang ibig po niyang sabihin, wag magwala sa mga kapartner mo. Dapat din daw ay mag-focus din palagi sa trabaho,” pagbabahagi pa ni Vince.

Director Brillante Mendoza on the state of the local film industry: ‘We pull each other down’

Inalam na rin ng PUSH kung hindi ba siya napi-pressure na isang Brillante Mendoza ang kanyang mentor at manager. Ani Vince, hindi raw naman yon maiiwasan.

“Siyempre po, natatakot ako. Kahit na si Kuya Coco, sabi niya natatakot pa rin daw siya kay Direk hanggang ngayon,” pag-amin niya.

“Pero ang lagi ko namang ginagawa kapag nagsu-shoot ako, focus po tlaga sa trabaho ko, yon lang,” dagdag pa niya.

Bukod sa Siklo kung saan leading lady niya si Christine Bermas marami pang pelikula ang dapat abangan kay Vince ngayong 2022 kasama na rito ang mga  pelikulang Iskandalo, L, at sa remake ng Bilibid Boys.

Natapos na ring gawin ni Vince ang BL film na Sisid ni Direk Brillante kung saan makakasama naman niya si Paolo Gumabao at Kylie Verzosa. Kasama rin siya sa Pula nina Coco Martin at Julia Montes  at sa Bigwas na tungkol sa underground fighting.

“Sana po magtuloy-tuloy na ang swerte at blessings na dumating sa akin para kahit papaano ay magtagal din ako sa industriya,” huling pahayag ni Vince Rillon sa PUSH exclusive.