• Home
  • Fresh Scoops
  • Unti-unti nang naisasakatuparan ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo ang kanyang pinapangarap na bahay.

TINGNAN: Kathryn Bernardo ipinasilip ang pinapagawang bahay

Unti-unti nang naisasakatuparan ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo ang kanyang pinapangarap na bahay.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/06/2022 11:52 AM
TINGNAN: Kathryn Bernardo ipinasilip ang pinapagawang bahay
Photo credits to @bernardokath on Instagram

Unti-unti nang naisasakatuparan ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo ang kanyang pinapangarap na bahay.

Sa Instagram nitong Miyerkoles, Enero 5, muling nagbigay ng update ang aktres tungkol sa kanyang ipinapagawang dream house. Nag-post siya ng ilang retrato kuha mula sa isang site visit kasama ng kanyang pamilya kamakailan.

Sa kanyang post, makikita kung gaano na kataas at kalawak ang tirahan na kasalukuyang ipinapatayo ni Kathryn. Sa ngayon ay mayroon na itong dalawang palapag. 


Isa sa mga nag-iwan ng komento sa kanyang post ay ang nobyo niya na si Daniel Padilla.

"YAHOO!!!!! EXCITING TIMES!!!" ani ng aktor.

Marso ng 2020 nang sinimulan ni Kathryn ang pagpapatayo ng kanyang dream house na aniya ay tatlong taon nilang plinano.

Sa Magandang Buhay, sinabi ng aktres: "Dream ko talaga na mapatayo 'yung dream house namin ni Mama. Pero hindi kasi joke ang gagastusin, tapos ang daming priorities. So sabi namin baka next year. Tapos patagal na siya ng patagal bago masimulan. So last week, sinurprise namin si Papa na doon lang namin ipinakita na may nabili kaming lote.

“Gusto ko kasi kapag nagpatayo ng dream house, 'yung gusto na namin, 'yung nae-envision ni Mama kung ano ang gusto ko, lahat, sa buong family. So hopefully mag-start na 'yung construction soon. Kayod pa.”

BASAHIN: Kathryn Bernardo on construction of her dream home: ‘I can’t believe it’s finally happening!’

Nakatakdang bumida sa nalalapit na teleseryeng 2 Good 2 Be True si Kathryn kasama si Daniel.