May mensahe ang beauty queen na si Katarina Rodriguez sa mga taong namimigay ng mga sira-sirang damit at maruruming underwear kasunod nang iba’t-ibang donation drives kamakailan para sa mga biktima ng bagyo gaya ng Odette.
Sa kanyang Instagram stories, pinaalalahanan ng Miss World Philippines 2018 ang mga taong gumagawa ng ginagawa ang mga ganitong bagay at sinabing: “Don’t donate clothes you don’t even wear.”
Ani pa ni Katarina, hindi umano makatao ang ganitong pagtrato lalo pa’t parang basura ang tingin sa mga ito.
WATCH: Katarina Rodriguez gives birth to baby boy
“Hindi naman dahil walang-wala na sila ay deserve nila ang basura ng mga tao, sorry pero yung ibang nakuha namin na donation sobrang dumi at butas-butas na,” ani Katarina.
Ibinahagi din ni Katarina ang isang litrato mula sa isang netizen na tila na kita ang butas-butas na damit at sinabing: “If there are holes in your clothes, do not donate them.”
Muli pang paalala ni Katarina: “Also, don’t donate your dirty panty or dirty underwear.” “If it is not wearable (essential) clothes, don’t send it,” aniya. Dagdag pa niya: “Please donate appropriate clothing!”
Miss World PH 2018 Katarina Rodriguez opts for water birth
Isa si Katarina sa mga artistang patuloy na tumutulong sa iba’t-ibang biktima ng mga kalamidad gaya ng bagyo.