• Home
  • Fresh Scoops
  • Naaksidente si Xian Lim nang magbakasyon kamakailan sa Zoobic Safari kasma ang kanyang pamilya.

Xian Lim, nagtamo ng sugat dahil sa ‘kagat’ ng buwaya

Naaksidente si Xian Lim nang magbakasyon kamakailan sa Zoobic Safari kasma ang kanyang pamilya.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/05/2022 03:35 PM
Xian Lim, nagtamo ng sugat dahil sa ‘kagat’ ng buwaya
Photo credits to @xianlimm on Instagram

Ibinahagi ni Xian Lim ang kanyang naging karanasan matapos magtamo ng sugat dahil sa “kagat” ng buwaya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Sa isang post sa kanyang Instagram stories, makikita ang tinamong sugat ni Xian kasunod ng insidente na naganap sa Zoobic Safari sa Morong, Bataan. 


Ngunit imbis na maging masaya lang ang kanilang bakasyon, naaksidente pa ito dahil sa aniya’y kabibohan niya. 

Nasugatan siya matapos magpa-picture sa isang fake na buwaya kasama ang kanyang ina at lola. 

Sweet! Xian Lim and Kim Chiu meet up for some quality time

“Dahil sa kabibohan, sumabit ulo ko sa ngipin ng crocodile,”pagbabahagi ni Xian. Pagbibiro pa ni Xian: “Bibo hotdog pa more.” 

Sa isa namang post, ibinahagi ni Xian ang litrato na naging dahilan ng sugat na nakuha niya.

LOOK: Xian Lim shares new cozy photos with Kim Chiu

“We had a quick adventure today! Brought my mom @mommymaryanne and lola to the @zoobicsafari today. They had so much fun!”