• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasabay ng announcement para sa screening ng Miss Universe Philippines, tuloy ang charity work ni Beatrice Luigi Gomez sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Miss Universe PH announces screening for 2022 pageant

Kasabay ng announcement para sa screening ng Miss Universe Philippines, tuloy ang charity work ni Beatrice Luigi Gomez sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Miss Universe PH announces screening for 2022 pageant-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/05/2022 07:51 PM
Miss Universe PH announces screening for 2022 pageant

Aarangkada na ngayong darating na Pebrero ang pagsisimula ng screening para sa susunod na Miss Universe Philippines.

Sa official social media post ng Miss Universe Philippines, inanunsyo nito ang maagang search para sa aspiring Pinay beauty queen na nagnanais maging susunod na kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

“Another year, another set of queens! The most prestigious pageant in the country will start its screening in February 2022. Get your profiles and papers ready, aspiring queens! We’re brewing something phenomenal. Miss Universe Philippines 2022, this coming April. Stay tuned! 

Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang reigning Miss Universe Philippines na lumaban sa 70th edition ng Miss Universe pageant sa Eilat, Israel kung saan kinoronahan si Harnaaz Sandhu ng India bilang 2021 Miss Universe.

Hindi man nasungkit ni Beatrice ang korona sa Miss Universe pageant, tuloy naman ang pagtulong nito sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa kaniyang bayan sa Cebu na isa sa mga hinagupit ng nagdaang bagyo nitong Disyembre.

 

 

 

 

 

Bukod sa pagiging Miss Universe Philippines, isa rin active Navy reservist si Beatrice.

Sa ngayon, tuloy tuloy ang paglikom ng donasyon ng Pinay beauty para ibahagi sa pagbangon ng nasalanta bagyong Odette sa Visayas at Mindanao regions.