• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang nakakatuwang kwento ang ibinahagi ni Luis Manzano tungkol sa kanyang ama na si Edu Manzano.

Luis Manzano, may nakakatawang kuwento tungkol sa amang si Edu Manzano

Isang nakakatuwang kwento ang ibinahagi ni Luis Manzano tungkol sa kanyang ama na si Edu Manzano.

Luis Manzano, may nakakatawang kuwento tungkol sa amang si Edu Manzano-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/05/2022 02:33 PM
Luis Manzano, may nakakatawang kuwento tungkol sa amang si Edu Manzano
Photo credits to Luis Manzano on Youtube

Isang nakakatuwang kwento ang ibinahagi ni Luis Manzano tungkol sa kanyang ama na si Edu Manzano.

Sa vlog na inilabas ni Luis sa YouTube nitong Martes, Ereno 4, naikwento ng TV host na minsan nang pumasok ang kanyang ama sa klase na naka-tuwalya lamang. 

Nangyari umano ito sa klase ng kilalang direktor na si Joey Javier Reyes, noong nag-aaral pa lang si Edu ng kursong Economics sa De La Salle University Manila.


"Si Daddy, varsity dati ng La Salle. Alam mo ba si Daddy ang kauna-unahang pumasok sa classroom na naka-tuwalya lang? Totoo 'to. Totoo. Ang teacher ni Daddy nun ay si Direk Joey Javier Reyes," kwento ni Luis.

"Si Daddy, part ng varsity. Tapos sabi ni Direk Joey, 'pag na-late pa siya isang beses, dropped na 'yung class niya. Eh kelangan niya kasi varsity. Eh napasarap 'yung ligo [niya] after practice." 

Paliwanag ni Edu, malalagot umano ang kanyang scholarship kapag tuluyan siyang na-drop sa klase ni Direk Javier.

"Sabi nga niya, one more time, isang beses lang na ma-late ka, eh talagang ida-drop kita. Eh three units din 'yun. Malalagot 'yung scholarship. So napilitan ako, umakyat agad ng klase, tumakbo na naka-tuwalya lang," kwento ni Edu.

Ngunit hindi pa rito nagtapos ang kwento ng aktor.

Patuloy niya: "Tapos pagpasok ko na naka-tuwalya. Sabi nga ni Joey, 'Ano ka, nagpapatawa? Ano ka, komedyante?' Sabi ko, 'Hindi ho, ganito ho 'yan.' Sabi niya, 'O sige, diyan ka, umupo ka na.'

"So umupo ako sa upuan ko. Ang ginawa niya, 'Hindi, doon ka sa isang upuan, 'yung pinakamalapit sa aircon.' So doon ako umupo buong klase. Tatlong araw akong nagkasakit."

BASAHIN: Luis Manzano reacts to father Edu Manzano’s new relationship with Cherry Pie Picache: ‘No one saw it coming’

Samantala, sa parehas na vlog ay emosyonal ding pinag-usapan nina Edu at Luis ang kanilang relasyon bilang mag-ama.

Sa video na pinamagatang "The Conversation I Never Had With Daddy Yow", ibinahagi ni Edu kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak.

"You have no idea. I don't have to hear it from other people. It's what I see in you. Kung papaano tayo mag-usap. The kind of relationship we have. And how we are honestly true to one another that tells me," aniya.

Bagamat aminadong nagkaroon ng pagkukulang, wala umanong panghihinayang si Edu pagdating sa kanyang pagiging ama kay Luis.

"I did not see a need kung bakit pa ako kailangan mangialam sa buhay mo. Kasi alam mo na kung anong dapat mong gawin," aniya.

"And whatever you did, you did it well. So doon ang pride ko," patuloy ng aktor. "Kaya sinasabi ko, wala akong regrets. My son did it all, and did it well."