• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa bihirang pagkakataon ay nag-heart-to-heart talk ang mag-amang sina Edu at Luis Manzano sa bagong vlog na inilabas ng huli nitong Martes, Enero 4.

Edu Manzano at anak nitong si Luis, nag-heart-to-heart talk

Sa bihirang pagkakataon ay nag-heart-to-heart talk ang mag-amang sina Edu at Luis Manzano sa bagong vlog na inilabas ng huli nitong Martes, Enero 4.

Edu Manzano at anak nitong si Luis, nag-heart-to-heart talk-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/05/2022 12:16 PM
Edu Manzano at anak nitong si Luis, nag-heart-to-heart talk
Photo credits to Luis Manzano on Youtube

Isang espesyal na vlog ang inilabas ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel kung saan nag-heart-to-heart talk sila ng amang si Edu sa bihirang pagkakataon.

Sa video na pinamagatang "The Conversation I Never Had With Daddy Yow", naging emosyonal at puno ng magmamahal ang pag-uusap ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon bilang mag-ama. 


Sa isang punto, inalala ni Edu kung ano ang naging reaksyon niya noong ipinanganak si Luis.

Si Luis ay anak ng aktor sa dating asawa nito na si Vilma Santos.

"The feeling was overwhelming kasi iniisip ko, 'Wow, sa akin nanggaling 'yan,'" sabi ni Edu. "Kung paano mo palalakihin para maging isang responsableng indibidwal, na lahat ng kanyang magagawa o gagawin sa buhay ay pawang positibo lamang."

May kwento rin siya tungkol sa pagiging malapit nila ni Luis noong bata pa lamang ito. 

"Dati kapag hinahatid ko sa school 'to, araw-araw, ako naghahatid sa classroom. Lagi kaming naka-holding hands. Lagi...Grade 1, Grade 2," kwento ni Edu.

"Pero pagdating ng Grade 5, lumalaban na 'yung kamay, eh. [Bumibitaw] na. Tapos 'pag hinatid mo, 'Dad, mga classmate ko nandyan.' So naramdaman ko na, ito na, magbabago 'yung aming relasyon."

Pag-amin naman ni Luis, matapos ang yugto na iyon ng kanyang buhay ay isang bagay ang napagtanto niya tungkol sa ama.

"Kasi, feeling ko naman eh dumadaan lahat ng mga anak sa phase na 'yan. And afterwards you realize... Ako personally, na-realize ko, pagkatapos ko daanan 'yung phase na 'yun, I wouldn't mind holding your hand every day," aniya.

BASAHIN:Vilma Santos, inalala ang naging reaksyon ng anak na si Luis sa hiwalayan nila ni Edu Manzano

Ayon pa kay Edu, kahit kailan ay hindi umano siya binigo ni Luis pagdating sa mga desisyon nito sa buhay.

"You never disappointed me. I was very, very happy because isa lang 'yung usapan natin noon eh. Bata ka pa lang, makikitang meron ka nang talento. Noon pa man, marami nang kumukuha sa 'yo. They would say, 'Yung anak mo nga eh, pwede na kumita 'yan. Halika, gawin nating artista 'yan.' Ako naman, 'yung sinasabi ko lagi, kailangan makapagtapos ka muna, at kapag nakapagtapos ka na, bahala ka sa buhay mo," ani ng aktor.

Sa puntong ito ibinunyag ni Luis na isa umano dapat siya sa mga bida ng pelikulang Ninja Kids na ipinalabas noong 1986.

"Totoo 'yun. 'Yun ang in-instill sa akin ni Daddy ever since. Tapusin mo lahat, bago ka pumasok sa kung anu ano. In fact, trivia. 'Yung movie na Ninja Kids, sina JC Bonnin, Herbert Bautista, Ramon Christopher... Ako dapat 'yung bida doon. Kinukuha ako ni Mother Lily (Monteverde) nung time na 'yun. Pero sabi nga, school muna ang aking uunahin, which I did naman," kwento ni Luis.

Samantala, hindi naman mapigilan ni Edu ang maging emosyonal nang tanungin ni Luis kung may mga bagay ba itong nais niyang baguhin bilang isang ama.

"Oh yeah. I realized na ang bilis bilis mong lumaki and you became so, so busy," ani Edu. "But then I also learned na hindi mo pwedeng ipilit 'yung sarili mo sa mga anak mo. Ang importante mabigyan mo ng tamang direksyon, isang matibay na pundasyon at kahit papaano eh mananatili ka lagi sa kanilang isipan at puso."

Gayunpaman, sa huli ay wala pa rin umanong babaguhin si Edu sa kung papaano niya pinalaki si Luis.

"Actually, I did not see a need kung bakit pa ako kailangan mangialam sa buhay mo. Kasi alam mo na kung anong dapat mong gawin. And whatever you did, you did it well. So doon ang pride ko. Kaya sinasabi ko, wala akong regrets. My son did it all, and did it well," aniya.

Edu Manzano on spending more time with his children: 'Ang dami kong sinayang na oras'

Nang tanungin naman ni Luis kung may mga bagay ba itong hindi pa nasasabi sa kanya, sagot ni Edu: "Ako naman kasi, I'm very outspoken 'di ba, lagi ko namang sinasabi sa 'yo kahit minsan hindi mo nagugustuhang marinig. Pero I tell you. And to this day, kahit saan man tayo, I still say I love you."

Kwento ni Luis: "Ganun kami lahat magkakapatid. That's one thing na hindi nawala rin sa amin. Every single time we talk on the phone, or we text, hindi nawawala sa amin 'yung I love you."

Samantala, bukod sa kanilang relasyon ay ilang personal na bagay din ang itinanong ni Luis tungkol sa kanyang ama.

Ayon kay Edu, kung hindi umano siya naging aktor o host ay nais niyang isang maging abogado.

"Abogado. I've always wanted to be a lawyer... [so I can] be of service to other people," aniya.

Bukod sa pagiging abogado ay pinangarap niya rin umano na ipagpatuloy ang kanyang serbisyo sa military at bumalik sa pag-aaral.

"Actually you would not have come along kung tinuloy ko 'yung serbisyo ko sa military. I always wanted to also stay in the military," ani Edu.

"After that, when I left the military, I wanted to go back to school. Gusto ko sana mag-masters, na hindi ko ginawa. If you remember, doon ako nagsimula. Nagsusulat lang ako, comedy writer lang ako ni Ariel Ureta. If I wasn't a lawyer, I wanted to be in the military."

Pagbabahagi pa ni Edu, ang kanyang ama umano ang maituturing niya bilang kanyang greatest coach sa buhay.

"My father. Napaka-strikto. Super strict," aniya. "Tulad ngayon, noon pa man eh marami nang distractions so what would happen kasi with Daddy, ganun din. 'Magtapos kayo ng pag-aaral. Bawal manigarilyo. Bawal uminom hangga't hindi niyo kayang bayaran 'yung iinumin.' 'Yung sa kanya, very ano, hindi naman conservative pero atleta siya eh."

Sa tanong naman na kung paano niya gustong alalahanin siya ng ibang tao, maikli pero makabuluhan ang naging sagot ni Edu.

"Mahirap 'yun. Pero simplehin na natin, 'He was a good guy,'" ani Edu.

Samantala, naging madamdamin naman ang sagot ng aktor nang tanungin ni Luis kung gaano ito ka-proud sa kanya.

"You have no idea. I don't have to hear it from other people. It's what I see in you. Kung papaano tayo mag-usap. The kind of relationship we have. And how we are honestly true to one another that tells me," sagot ni Edu.