• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging challenge kay Christine Bermas na labanan ang kanyang phobia para sa isang eksena sa ‘Siklo’.

‘Siklo’ lead actress Christine Bermas hindi ikinahihiyang dating kasambahay sa Palawan

Naging challenge kay Christine Bermas na labanan ang kanyang phobia para sa isang eksena sa ‘Siklo’.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/04/2022 09:51 PM
‘Siklo’ lead actress Christine Bermas hindi ikinahihiyang dating kasambahay sa Palawan
Photo credit to @christinebermas_ Instagram

Hindi ikinahihiya ng Viva sexy star na si Christine Bermas na nagtrabaho siya noon sa kanilang lugar sa Palawan bilang isang kasambahay. Ginawa raw niya ito para matulungan ang kanyang pamilya na sobrang hirap sa buhay.

“Kapag hirap kayo sa buhay gagawa ka talaga ng paraan para makaraos. Mga 14 or 15 ako nung pumasok akong kasambahay sa amin sa Palawan,” pagtatapat ni Christine sa PUSH sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang Siklo na mapapanood sa Vivamax.

Dugtong pa ng dalaga, “Hindi lang pagiging kasambahay ang ginawa ko nung bata ako. Nagtitinda rin ako ng kung anu-ano sa daan like banana cue, mga kakanin, kahit anong puwede itinda.”


Sa tanong namin kay Christine kung hindi ba siya natakot maging kasambahay sa murang edad lalo na’t may hitsura siya at baka magustuhan ng pinapasukang amo, hindi naman daw ang sagot niya.

“Yung pinapasukan ko po hindi rin naman ganun kalayo sa lugar namin. Stay out din po ako, tsaka mga kamag-anak ko rin naman yung pinapasukan ko. Hindi naman delikado,” kuwento niya.

READ: EXCLUSIVE: Newbie sexy star Christine Bermas thrilled to be paired with Albie Casino and Kit Thompson

Simula bata pa lang ay pinangarap na rin daw niya ang mapanood ang sarili sa pelikula at maging artista. Gumawa rin daw siya ng paraan para unti-unti itong matupad.

Kuwento ng Siklo lead star, “Before, nung sa Palawan pa lang ako, dini-dream ko pa lang siya, eh.  And then, lahat ng puwede kong salihan, lahat ng puwede kong gawing way para makamit ko yung dream ko na yon ginagawa ko.

“Umalis ako ng Palawan para lumuwas ng Maynila. Nag-take ng risk at nakipagsapalarawan. Pero siyempre, takot ako, kasi hindi ko rin naman alam ano talaga mangyayari o kung tama ba yung desisyon ko. Pero awa ng Diyos, napunta naman ako sa mabubuting tao na inalagaan ako.

“Natutunan ko na ring maging independent. Almost five years na akong wala sa family ko pero lagi ko silang sinusuportahan and sila yung nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para gawin lahat kasi para din naman sa kanila yon.”

Paano ba binago ng showbiz ang buhay niya ngayon?

“Sa showbiz kasi naiba rin yung mundo ko kasi siyempre, wala namang pakialam sa ‘yo yung ibang mga tao, di ba? Sino ka ba naman? Pero ngayon po, parang ang dami ko ng nare-receive na mga comments – good and bad, lahat. 

“Hindi naman siya yung parang nagiging downfall ko lalo na yung mga negative, parang mas lalo pa akong namo-motivate sa mga nare-receive ko. Basta ang lagi ko lang pong sinasabi sa sarili ko hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko, para po talaga ito sa family ko.

WATCH: Sexy star Christine Bermas, pinaghandaan ang launching movie na ‘Moonlight Butterfly’ | PUSH Daily

“Kaya lahat, kung may paghuhugutan man na scene, parang lahat po kasi na-experience ko na, eh, bago pa po ako pumunta dito sa Manila. Parang halos lahat po talaga na-experience ko na,” paliwanag ni Christine.

Lingid sa kaalaman ng direktor ng Siklo na si Roman Perez Jr. ay merong phobia sa tubig si Christine kaya naging malaking challenge sa dalaga ang eksena habang nasa falls siya.

“Ang pinaka challenging po talaga sa akin ay yung nando’n kami sa falls kasi may trauma po ako before sa water. Hindi ko masyadong pinakita kina Direk  Roman yon na may trauma po ako sa water.

“Before kasi nalunod na ako, that was 2018, so di ko pa nao-overcome yung trauma. Pero ang laking tulong po niya sa akin kasi yung mga nagawang film ko before may water din na involve kaya parang nilalabanan ko po yung scene na yon,” balik-tanaw niya.

Kung naging challenge ang eksenang nasa tubig si Christine ay naging very smooth naman daw ang pakikipagtrabaho niya sa indie actor na si Vince Rillon, ang leading man niya sa Siklo.

“Tatlong beses na kasi kaming nagka-work together ni Vince, so comfortable na po ako kapag nakaka-work ko po si Vince. Sobrang okey na po siya sa akin.

“Nung unang work lang namin together medyo ilangpa po ako pero nung nasundan na po yon hanggang dito po sa Siklo naging comfortable na po ako sa mga ganung delicate scenes sa kanya, parang laro na lang po sa amin. Pero minsan po siyempre may pressure pa din,” huling pahayag ni Christine sa PUSH.