• Home
  • Fresh Scoops
  • Tulad ng nakararami, dumaan din sa pagsubok ang onscreen partners na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin ngayong pandemya.

SethDrea, nagkwento tungkol sa mga pinagdaanang pagsubok ngayong pandemic

Tulad ng nakararami, dumaan din sa pagsubok ang onscreen partners na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin ngayong pandemya.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/04/2022 02:16 PM
SethDrea, nagkwento tungkol sa mga pinagdaanang pagsubok ngayong pandemic
Photo credits to @blythe on Instagram

Tulad ng nakararami, dumaan din sa pagsubok ang onscreen partners na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, o mas kilala bilang "SethDrea", ngayong pandemic.

Sa entertainment podcast na PUSH Bets Live!, nagkwento ang sikat na onscreen tandem tungkol sa ilang pagsubok na naranasan nila dulot ng COVID-19.

Isa na umano rito ang kanilang virtual work setup kung saan kinakailangan nilang maging isang one-man team.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

"Ngayong pandemic, siguro 'yung struggle na may kailangan gawin. Kasi ako lang din ang gumagawa kadalasan. Halimbawa, may kailangan gawin na video na kailangan ipasa, ako lang din ang gumagawa, ako ang nag-iisip kung paano ko gagawin. Tapos minsan magpapatulong ako sa kapatid ko. 'Yun po 'yung struggle ko," pag-amin ni Seth.

"Same din po with Seth, sobrang hirap din po kasi everything is virtual na. Lahat din ng mga kailangan gawin, kami lang talaga ang gagawa. So ako, mas mahirap po kasi… ako na 'yung makeup artist, ako na rin 'yung stylist, ako na rin 'yung light director, ako na rin 'yung camera man. Sobrang nahirapan po ako noon dati sa bahay ko kasi ang liit liit lang niya. 'Yun 'yung sa work," ani ng aktres.

Bukod sa kanyang trabaho, inamin ng aktres na malaki rin ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa kanyang mental health.

"Mentally, na-challenge talaga ako. Very mentally challenging talaga 'tong pandemic lalo na kasi ako naman po before, talagang dati pa akong may anxiety. Naalis ko na 'yung insomnia ko pero bumalik po siya. Tapos parang lahat ng naayos ko, bumalik. Nag-relapse ako because of the pandemic," kwento niya.

"Pero ngayon dahil nga second time around, mas kaya ko na siyang i-handle at familiar na ako sa feeling. Tumawag na agad ako ng therapist kasi ayaw ko na ulit pagdaanan. Mas aware na ako ngayon, so hindi naman talaga ako nakain ng kadiliman."

BASAHIN: Seth Fedelin reveals his ultimate dream with Andrea Brillantes: ‘Yun talaga yung gusto namin’

Gayunpaman, sa kabila ng mga pinagdaanan nilang hamon ay nananatili pa ring positibo sa buhay ang dalawa.

Payo ni Seth sa kanilang kapwa kabataan, 'wag kalimutang tingnan ang mga positibong bagay sa nangyayaring krisis dala ng patuloy na COVID-19 pandemic.

"Sa lahat ng kabataan diyan, lalo na mga ka-generation namin, mahirap po talaga 'yung setup na ganito, na puro tayo online at iba po ang pakiramdam nun. At 'yung mga nagsisimula pa lang ho, 'yung bago pa lang 'yung pandemic, lahat tayo nag-adjust," ani Seth.

"Gusto ko lang ho sabihin sa inyo, ipaalala, na sa kabila ng mga nangyayari sa atin eh, may nangyayari pa rin, meron pa rin tayong ginagawa. Nakakapag-aral pa po tayo. Kahit online, andyan pa rin 'yung school. Kami, kahit ganung nahihirapan kami na kami ang nag-aasikaso sa sarili namin, kailangan ho eh. Dahil hindi naman natin 'to ginagawa dahil pandemic lang, ginagawa natin 'to para matuto tayo, matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa. 'Wag natin 'tong titingnan na nakaka-badtrip. Oo, nakakaiinis at the moment pero mare-realize din natin na, 'Uy, nakakapag-aral pa rin ako kahit pandemic.' 'Kahit pandemic makaka-graduate pa rin ako.' Magpasalamat pa rin tayo kasi kahit papaano meron pa rin tayong natatanggap na blessing."

Para naman kay Andrea, na aminadong nawalan din ng ilang projects dahil sa pandemic: "Isipin na lang po natin na lahat ng nangyayari sa atin ay may rason."

"'Di man po natin maintindihan ngayon, pero I'm sure dadating 'yung araw na makikita na lang natin, na itong pandemic na 'to mas pinalakas ako, mas naging matalino ako, mas naging aware ako, mas naging selfless ako. Alam ko dadating ang araw na ganun na natin titingnan itong pandemic."

Nagbigay din ang aktres ng kanyang mensahe para sa mga kapwa niya Gen Z na dumaranas din ng stress, anxiety, depression, at iba pang mental health issues dahil sa pandemya.

"Sa mga kapwa Gen Z ko na mentally nahihirapan na, lahat naman tayo pinagdadaanan 'yan so it's normal, it's okay to reach out for help. And it's okay to not be okay lalo na ngayon na grabe rin naman talaga 'yung pinagdadaanan natin. 'And 'yung nararamdaman niyo is valid."

Mapapakinggan ang buong episode dito:

Ang PUSH Bets Live! ay isang weekly online show na hinu-host ni Gary Ann Lastrilla at fini-feature ang pinakamalalaking stars sa bansa. Mapapanood ito sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Maliban sa PUSH Bets Live!, may dalawa pang segments ang PUSH —PUSH Most Wanted at PUSH Extra Scoop—ang mayroon ding kanya-kanyang podcast versions. Mapapakinggan naman ito sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming platforms.