Trina Candaza, lumipat sa bagong bahay kasama ang anak; hiwalay na kay Carlo Aquino?

Hiwalay na nga ba sina Carlo Aquino at Trina Candaza?

 Trina Candaza, lumipat sa bagong bahay kasama ang anak; hiwalay na kay Carlo Aquino? -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/31/2022 03:06 PM
 Trina Candaza, lumipat sa bagong bahay kasama ang anak; hiwalay na kay Carlo Aquino?
Photo credits to @trinacandaza on Instagram

Usap-usapan ngayon ang umano’y hiwalayan nina Carlo Aquino at Trina Candaza matapos nang ibahagi ni Trina ang ginawang paglipat bahay nila ng kanyang anak na si Enola Mithi.

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Trina ang dahilan ng kanilang paglipat at sinabing ginawa nila ito dahil mas malapit ito sa paaralan ni Mithi.

“Obviously, we moved to a new home. Bago na yung tinitirahan namin. Dito ko pinili kasi if ever na mag face-to-face, at least malapit na ako sa school and mabilis ako makakauwi kay Mithi,” pagbabahagi ni Trina. 


Have Carlo Aquino and partner Trina Candaza split up?

Hindi naman binanggit ni Trina ang pangalan ni Carlo sa buong vlog. 

Unang umugong ang bali-balitang hiwalay na sina Carlo at Trina nitong ika-28 ng Enero matapos maglabas ng isang makahulugang post si Trina sa Facebook.

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Ani Trina sa nasabing post, malalaman umano ng isang tao ang kanyang halaga sa isa pang tao kung wala na siya sa piling nito lalo pa’t kung may pinupuntahan na agad itong bagong tao. 

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae,” ani Trina. 

Trina Candaza greets ‘love of my life’ Carlo Aquino on his birthday

Dagdag pa nito, wala na umanong pag-asa ang mga ganitong tao. “‘Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago,” saad pa ni Trina. 

Marami naman ang nangusisa sa post si Trina kabilang na ang social media personality na si Xian Gaza na kilala sa pang-iispluk ng mga chismis tungkol sa mga artista. 

“what's the meaning of disc?” tanong ni Xian. 

Unang pumutok ang balita tungkol sa relasyon nina ni Carlo at Trina Enero noong taong 2019. Kasagsagan ito ng bali-balitang unti-unti nang nagkakamabutihan muli sina Carlo at dati nitong girflriend na si Angelica Panganiban. 

Sinalubong naman nila nina Trina at Carlo ang kanilang anak na si Enola Mithi noong taong 2020.