• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagdadalamhati ngayon ang mundo ng pageantry sa biglaang pagpanaw ng former Miss USA Cheslie Kryst.

Miss USA 2019 Cheslie Kryst, pumanaw na

Nagdadalamhati ngayon ang mundo ng pageantry sa biglaang pagpanaw ng former Miss USA Cheslie Kryst.

Miss USA 2019 Cheslie Kryst, pumanaw na-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/31/2022 10:40 AM
Miss USA 2019 Cheslie Kryst, pumanaw na

Isang malungkot na balita sa larangan ng pageantry ang bumungad nitong umaga ng Lunes, Enero 31, sa napabalitang pagpanaw ni Miss USA 2019 Cheslie Kryst. 

Si Cheslie ay ang naging kinatawan ng USA sa naganap na Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia kung saan lumaban din si Gazini Ganados.

Sa ulat ng New York Post nitong Enero 30 (PH time), isang babae umano ang tumalon sa isang high rise apartment building sa New York City, USA at kinilala ito bilang si Kryst. 


RELATED LINK: Woman who jumped from NYC high-rise identified as Miss USA 2019 Cheslie Kryst

Ilang oras bago napaulat ang insidente, isang social media post pa ang ibinahagi ng former Miss USA sa kaniyang Instagram na may caption ng “May this day bring you rest and peace” na nag tapos sa isang heart emoji.

Sa comments section ng post, nagpahayag ng kanilang pakikidalamhati ang mga Miss Universe sisters ni Cheslie kabilang na sina Miss Universe 2016 Iris Miternaire, Miss USA 2015 Olivia Jordan, at Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray naman ay nag-post ng kaniyang retrato kasama si Cheslie sa kanyang Instagram account. “Ches… I can’t believe the news. Rest in peace angel. The world will miss your light,” ang kanyang caption, kasama ang isang paalala sa kanyang followers ng kahalagaan ng mental health lalo sa panahon ngayon.

May isang Instagram story rin ang ibinahagi si Cheslie bilang suporta naman kay Miss North Carolina USA kung saan siya nagsimula bago masungkit ang Miss USA crown noong 2019. Sa post, binati pa nito ang pambato ng North Carolina sa Miss Teen and Miss USA.

Disyembre ng 2021 nang muling nagbalik sa Miss Universe stage si Cheslie bilang commentator at backstage correspondent para sa 70th Edition ng Miss Universe sa Eilat, Israel.

Bukod sa pagiging isang beauty queen isa rin aktibong lawyer si Cheslie kasabay ng kaniyang karera bilang isang TV presenter.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang Miss Universe Organization kasunod nang naging insidente.

* If you or a loved one is in need of help, the National Center for Mental Health (NCMH) has trained respondents to properly deal with those in need. Contact the hotline at 0917-899-USAP (8727) / 0917-989-8727. You can also contact HopelinePhilippines at (02) 804-HOPE (4673), 0917 558 HOPE (4673), 2919 (Toll free for Globe, TM)