• Home
  • Fresh Scoops
  • Certified Marites na ang nag-iisang songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Regine Velasquez, ‘pinanindigan’ ang pagiging Marites

Certified Marites na ang nag-iisang songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Regine Velasquez, ‘pinanindigan’ ang pagiging Marites-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/30/2022 06:39 PM
Regine Velasquez, ‘pinanindigan’ ang pagiging Marites
Photo credits: @reginevalcasid on Instagram

Maraming netizens ang naaliw kay Regine Velasquez-Alcasid nang ‘panindigan’ nito ang kanyang pagiging marites. 

Nitong Biyernes, ika-28 ng Enero, nag-post ang Kapamilya singer ng ilang litrato kasama si Francine Diaz upang batiin ito sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. 

“Thank you po, Ms Reg!” pasasalamat ni Francine kay Regine. 


READ: Vicki Belo throws birthday bash for Francine Diaz

Dito, makikitang tila nakiki-chismis ang Asia’s Songbird kina Francine Diaz at Krystal Brimner. 

Kuha ang nasabing mga litrato sa labas ng ASAP Studio sa loob ng ABS-CBN compound. 

READ: ‘Salamat Kapamilya’: Ogie Alcasid and Regine Velasquez celebrate anniversaries as part of ABS-CBN

Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Regine na ginawa niya ito matapos mapabilang ang kanyang pangalan sa listahan ng Top 30 na marites sa bansa.

“’Yung nasa top 30 ka ng mga Marites sa bansa. My name is not that common right? So malamang ako talaga ‘yun,” ani Regine.

Matatandaang unang ibinahagi ni Regine ang nasabing listahan noong ika-15 ng Enero. 

Saad pa ni Regine, medyo dismayado umano siya dahil hindi man lang siya napabilang sa Top 10. 

“But actually I’m a little disappointed kasi no. 29 ako I was expecting at least top 10 di ba so ito na since I have a reputation now as one of the top Marites……..oh ha!” ani Regine. 

Pinatotohanan naman ni Jolina Magdangal ang pagiging Marites ni Regine at sinabing ginagawa umano talaga ito ng kanyang kapwa singer sa totoong buhay.

“Ate Reg! Ganyan ka talaga! Hahahaha!!! Naalala ko nung nag chichikahan kami ni Kyla, kakalabitin mo pa kami tapos sabihin na ‘ano yun ano yun?’ Hahahahaha,” ani Jolina.