• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinuldukan na ni Kris Aquino ang relasyon niya kay Mel Sarmiento.

Kris Aquino, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Mel Sarmiento: ‘I must end this chapter’

Tinuldukan na ni Kris Aquino ang relasyon niya kay Mel Sarmiento.

Kris Aquino, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Mel Sarmiento: ‘I must end this chapter’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/04/2022 12:05 AM
Kris Aquino, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Mel Sarmiento: ‘I must end this chapter’
Photo credits: @krisaquino on Instagram

Tila kinumpirma ni Kris Aquino na tinuldukan na niya ang relasyon nila ni Mel Sarmiento. 

Sa isang Instagram post, nagsalita si Kris kaugnay sa mga kumakalat na spekulasyon tungkol sa relasyon nila ng dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary at Calbayog City mayor na si Mel Sarmiento. 

READ: Kris Aquino, nag dine-in sa isang sikat na fast food chain kasama ang fiancé: ‘Walang basagan ng trip’


Unang ibinahagi ni Kris ang kanyang pinagdaanan sa kanyang kalusugan kung saan kinakailangan na naman niyang lumipad sa ibang bansa upang dumaan sa iba’t-ibang pagsusuri matapos muling bumagsak ang kanyang timbang.

“I want to spare myself and my loved ones from further rumors and speculation. My health has continued to deteriorate, and I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed, do all the treatments and procedures to help address my drastic weight loss (I now weigh 88/lbs 40 kilos) and if still possible, strengthen my immunity," aniya.

“From last quarter of 2018, I’ve long known that my autoimmune conditions could only be treated but never cured. I have accepted the truth, many complications from having autoimmune may arise, especially because I am immunocompromised and we have been forced to live with a nearly 2-year worldwide pandemic,” dagdag pa ni Kris. 

Aniya, isa umano ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya ang nagturo sa kanya na ipasa-Diyos ang anumang pinagdadaanan niya ngayon sa buhay. 

“My faith in God has taught me I must completely surrender all, to His will and His timing,” ani Kris. 

READ: Mel Sarmiento has this promise for future wife Kris Aquino

Dito, hindi napigilan ni Kris na mag-salita tungkol sa mga spekulasyon tungkol sa relasyon nila Mel Sarmiento matapos niyang burahin ang mga litrato nilang dalawa sa Instagram. 

Ani Kris, ayaw na sana niyang pag-usapan ang isyu kaugnay sa kanilang hiwalayan ngunit kinakailangan umano niya itong gawin para makamit ang hinahanap niyang katahimikan. 

READ: Kris Aquino's posts with Mel Sarmiento have disappeared from her Instagram

“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kanyang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health, because my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in 3 years, 3 months, and 16 days, I must end this chapter,” ani Kris. 

READ: Kris Aquino is now engaged to former DILG Secretary Mel Senen Sarmiento

Bagama’t hindi diretsahang sinabi na tinuldukan na nila ni Mel ang kanilang relasyon, makikita sa text message na ipinadala ng dating DILG Secretary at fiancé nito na tinatanggap umano niya ang pahayag ni Kris na pakawalan siya.

“With a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about my going out of the bubble,” ani Mel.

Dagdag pa nito: “I will always cherish in my heart the happy moments we had together. I do love you, but I guess this is goodbye for your life is of great importance given that you have Bimby and Josh to take care of. You will forever be in my heart.” 

Makikitang napag-usapan ng dalawa ang tila paglabas ng “bubble” ni Mel na naging dahilan upang mangamba si Kris sa posibilidad na may nakasalamuha ito sa labas.

Base sa palitan ng mensahe ng dalawa, tila ang setup nila na tumira sa iisang bubong ang tinutukoy ni Mel na “bubble.” 

Tingnan ang post sa ibaba: 

Agosto noong nakaraang taon nang kumpirmahin nina Kris at Mel ang kanilang relasyon. Oktubre naman nang i-anunsyo nila ang kanilang engagement.