• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Ogie Diaz, mayroong isang source na nakapagsabi sa kanya na hiwalay na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Ogie Diaz, may rebelasyon tungkol kina Diego Loyzaga at Barbie Imperial

Ayon kay Ogie Diaz, mayroong isang source na nakapagsabi sa kanya na hiwalay na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Ogie Diaz, may rebelasyon tungkol kina Diego Loyzaga at Barbie Imperial-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/26/2022 03:13 PM
Ogie Diaz, may rebelasyon tungkol kina Diego Loyzaga at Barbie Imperial
Photo credits to @diegoloyzaga @ogie_diaz on Instagram

Isang balita umano ang nasagap ni Ogie Diaz tungkol sa magkasintahang sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Ayon sa beteranong showbiz writer, mayroong isang source na nakapagsabi sa kanya na hiwalay na ang dalawa matapos lamang ang isang taong relasyon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)


"Ako naman nasagap ko na 'yung dalawa raw ay wala na. Totoo ba?" ani Ogie sa kanyang bagong YouTube vlog.

"Ito tinatanong ko ha. Kasi meron lang po nagparating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ay, nako, ang kanilang relasyon, kung saan napunta... Ang sabi lang sa akin, ha, waley na raw."

Ayon pa kay Ogie, away-magkasintahan daw ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa at may kinalaman pa raw ito sa isang Star Magic artist.

"Ang nabalitaan natin, nag-away nga itong si Barbie at si Diego. Tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego. 'Itutuloy pa ba natin 'to or hiwalay na?' Sabing ganun. Eh parang nanalo ata 'yung hiwalay na," aniya.

"'Yun 'yung nakarating sa akin ha."

Nito lamang linggo ay naging usap-usapan sina Diego at Barbie matapos mapansin ng kanilang fans na tila wala na silang post tungkol sa isa't isa sa social media.

Marami rin ang nagtataka kung bakit tila hindi isinama ni Diego si Barbie sa kanyang bakasyon sa Estados Unidos.

Sa press conference ng kanyang pelikulang The Wife, ipinaliwanag ng aktor kung bakit mag-isa lamang niyang lumipad papuntang Amerika.

"I came here all of a sudden. Like, I came here, it wasn't planned. I booked my flight the day before I left... And I don't think that Barbie has a blue passport," aniya.

"So yeah, I don't think... even if she wanted to come here, she couldn't have come here. She needs a visa to come here."

BASAHIN: Diego Loyzaga shares how he is as a boyfriend: ‘I won’t do anything to hurt the person I love’

Matatandaan na nito lamang Disyembre nang ipinagdiwang nina Diego at Barbie ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Bago nito ay nasangkot sa kontrobersiya ang dalawa matapos na ma-link si Diego sa sexy actress na si AJ Raval.

Pinabulaanan ito ng magkasintahan at sinabing walang katotohanan ang balita.

Hindi rin umano sila naapektuhan sa isyu at sa katunayan ay pinagtibay pa nito ang kanilang relasyon.

BASAHIN: Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nagdiwang ng unang anibersaryo

Samantala, sa huli, sinabi ni Ogie na kung totoo man ang balita ay hiling niya ang pagkaka-ayos ng dalawa. 

"Sana hindi pa sila naghiwalay. Sana kung may problema sila, maayos naman 'yan. 'Yun naman ang ating hino-hope. Kasi lalo na, grabe 'yung kanilang pronouncement talaga, na they love each other, kung gaano kalalim [ang pagmamahal nila sa] isa't isa," aniya.

"Sana hindi totoo kasi nababagayan ako sa kanilang dalawa, in fairness," sabi pa niya.