Maricel Soriano, mapapanood sa isang US rom-com film

Sasabak na si Maricel Soriano sa isang Hollywood film.

Maricel Soriano, mapapanood sa isang US rom-com film-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/26/2022 05:48 PM
Maricel Soriano, mapapanood sa isang US rom-com film
Photo credit to @officialmaricelsoriano Instagram

Isang nakakapanabik na yugto sa buhay ni Maricel Soriano ang dapat abangan ng kanyang mga tagahanga: mapapanood na ang nag-iisang Diamond Star sa isang proyekto sa Hollywood. 

Matapos ang limang dekadang pamamayagpag ng kanyang karera bilang isang premyadong aktres, patuloy na pinapatunayan ni Maricel kung bakit siya hinahangaan ng marami. 


Isa na rito ang pagiging isang YouTuber niya kung saan naglalabas siya ng iba’t-ibang vlogs sa tulong ng kanyang pamilya kabilang na ang kapatid niya na si Mel Martinez.

Ngunit isa marahil sa pinakamalaking proyekto na dapat abangan ng mga fans mula sa kanya ang pagkakabilang niya sa romantic-comedy film Re-Live: A Tale of an American Island Cheerleader.

WATCH: Maricel Soriano, ibinahagi ang work experience ngayong “new normal” | Push Bets Live

Kinumpirma ng kanyang handler na si Veana Fores sa ABS-CBN News ang kapana-panabik na proyektong ito. 

“Yes, there was an offer and she’s interested. We’re open to do it,“ ani Veana. 

Kabilang din dito ang mga Fil-Am actresses na sina Rain Valdez at Rachel Leyco. Kukunan ang mga eksena sa Guam at Hawaii. 

Ayon sa isang report ng Variety magazine nitong buwan lamang, gaganap umano si Maricel bilang ina ng isang transgender movie star na may cancer. 

2019 nang huling mapanood sa big screen si Maricel sa pelikulang The Heiress ng Regal Films. 

Ginampanan naman nito ang karakter ni Lucinda "Lucing" Dela Cruz-Pineda sa seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na tumakbo na napanood sa Kapamilya Channel mula 2020 hanggang 2021. 

WATCH: Maricel Soriano gives advice to fans | Push Bets Live

Muli naman siyang mapapanood sa serye ng ABS-CBN na The Broken Marriage Vow ngayong taon. Gagampanan niya ang karakter ni Donya Joaquina San Juan.