• Home
  • Fresh Scoops
  • Happy si Angelica Panganiban sa buong suporta ng non-showbiz boyfriend sa kaniyang mga proyekto bilang isang aktres.

Angelica Panganiban, ibinahagi ang masayang takbo ng relasyon sa non-showbiz BF

Happy si Angelica Panganiban sa buong suporta ng non-showbiz boyfriend sa kaniyang mga proyekto bilang isang aktres.

Angelica Panganiban, ibinahagi ang masayang takbo ng relasyon sa non-showbiz BF-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/26/2022 07:43 PM
Angelica Panganiban, ibinahagi ang masayang takbo ng relasyon sa non-showbiz BF
Photo credit to @iamangelicap and @conhoman Instagram

Happiness from within kung ilarawan ng aktres na si Angelica Panganiban ang smooth sailing relationship niya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan. 

Si Gregg ang inspirasyon ngayon ni Angelica na kaniyang ipinakilala noong 2021 sa pamamagitan ng isang sweet Instagram post. 

“May happiness siya from within, contentment tsaka may calm,” sambit ng aktres sa isang panayam.

Ayon pa kay Angelica, nasabi niyang espesyal sa kaniya ang non-showbiz boyfriend nang naramdaman niya ang pagiging “kalmado” sa unang beses niyang nakilala ito.

“Feeling ko yun ang importante sa lahat kumalma ako, and yun nga siguro ang magic e. Noong una kami nagkita, hindi siya exciting, walang ganun. Calm yung naramdaman ko, parang okay ‘to ha, pwede pala ‘yun mararamdaman sa isang tao na gusto mo and hanggang nagyon na maintain yun hanggang ngayon,” ani aktres.

Bukod sa masayang takbo ng kaniyang relasyon, isa rin sa marahil nagustuhan ng aktres sa kaniyang nobyo ay ang naging respeto nito sa kaniyang trabaho bilang isang artista. 

Kuwento ni Angelica, aprubado ng nobyo ang kaniyang mga proyekto kabilang na ang The Kangks Show at buong buo ang naging suporta nito sa kanya.

RELATED ARTICLE: Dr. Margie Holmes, peg ni Angelica Panganiban, sa ‘The Kangks Show’

“Siguro andon yung klase ng respeto niya sa akin and ako rin sa kanya na kung ano ang trabaho ko, trabaho ko ‘to and kaya ko ‘to. Naniniwala siya sa akin doon na alam niya ang ginagawa niya na malinaw naman sa amin na from the start ng relationship kung ano ang work mo, work mo yan and kung ano rin ang sa akin sa akin ‘to, and nilinaw ko yun sabi ko ‘seloso ka ba?’ wag ha,” masayang sambit ng aktres.

Patuloy niya, “Ayoko kong masakal and makulong na malilimitahan yung gagawin ko, dahil lang nagmahal ako. Siyempre ang sarap nong tanggap mo, and naiintindihan mo and proud ka.” 

Isa rin sa itinuturo ngayon ng aktres sa kaniyang nobyo ay kung paano rin aniya mag adjust sa atensyon ng publiko sa kanilang dalawa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Connar (@conhoman)

Ayon kay Angelica, hindi pa rin sanay si Gregg sa mga nababasa at nakikita nito sa social media. 

“Hindi pa rin hanggang ngayon. Lalo na siyempre hindi siya sanay sa mga bashing di ba? Kahit na hindi na ako naapektuhan siya yung nasasaktan,” sambit ni Angelica.

Para kay Angelica, mas nagiging maingat na rin siya sa posting sa social media para na rin sa kaniyang nobyo.

“So yun ang mahirap siguro kasi pag nakita mo siyang affected, maapektuhan ako siyempre. Pero kailangan ko siyang tulungan pa at turuan din ng mga styles kung paanong hindi mo dapat pinapansin. So in fairness naman sa kaniya, hindi naman siya ma-social media na tao. So ako rin mayroon rin akong social awareness na wag ko na lang ‘to post kasi baka maapektuhan siya and unti unti na gets naman niya. And sinasabi ko sa kaniya and itong platform na ‘to pag hindi ko ginamit to sayang kasi ang dami puwede makinig lalo na kung tama naman ang sasabihin ko. Saka kaya ko ang sarili ko, ‘wag ka ma-bother. Kaya ko talaga. So pag ganun, binibigyan ko siya ng warning, titigil siya mag social media.”

Matapos ang naging success ng The Kangks Show mapapanood din soon si Angelica sa The Goodbye Girl kasama sina Elisse Joson, Barbie Imperial, Maris Racal at Loisa Andalio.