• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Kris Aquino na lalaban pa siya para sa kanyang mga anak.

Kris Aquino, umalma sa fake news na may taning na ang buhay niya

Sinabi ni Kris Aquino na lalaban pa siya para sa kanyang mga anak.

Kris Aquino, umalma sa fake news na may taning na ang buhay niya-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/25/2022 10:54 AM
Kris Aquino, umalma sa fake news na may taning na ang buhay niya
Photo credits to @krisaquino on Instagram

Hindi napigilan ni Kris Aquino na magsalita tungkol sa mga kumakalat na bali-balita tungkol sa kanyang kalusugan. 

Sinagot ni Kris ang ilang isyu na ibinibanato sa kanya ng mga trolls na mamamatay siya sa loob ng isang taon mula nang pumanaw ang kanyang nakatatandang kapatid na si dating pangulong Benigno Aquino III.


Matatandaang namaalam ang presidente ika-24 ng Hunyo noong nakaraang taon sa edad na 61 dahil sa sakit sa renal disease. 

“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within one year both Noy and me would pass away,” saad ni Kris. 

Kris Aquino hints she is preparing for something: ‘May pinaghahandaan’

Pagpapatuloy pa ni Kris, lalaban pa siya para sa kanyang mga anak. 

“Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya Josh and Bimb still need me,” ani Kris. 

Samantala, nagpasalamat naman si Kris sa mga totoong kaibigan niya na lumapit sa kanya para padalhan siya ng iba’t-ibang bagay upang ipadama umano sa kanya ang kanilang pagkalinga at pagmamahal. 

“To all my REAL friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons and just so much na nahihiya na ko- because they want to make make me feel their love and affection—you have my lifelong loyalty & gratitude,” aniya.