• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot din ni Kim Chiu ang isang netizen na nagsabing pasmado ang kanyang bibig.

Kim Chiu, humirit matapos muling mabash: ‘I hope this ends here’

Sinagot din ni Kim Chiu ang isang netizen na nagsabing pasmado ang kanyang bibig.

Kim Chiu, humirit matapos muling mabash: ‘I hope this ends here’ -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/25/2022 04:32 PM
Kim Chiu, humirit matapos muling mabash: ‘I hope this ends here’
Photo credits to @chinitaprincess on Instagram

Muli na namang nabash si Kim Chiu dahil sa kanyang nabitawang salita sa live television dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ito ay matapos ungkatin ang pahayag niya sa It’s Showtime noon kung saan umani siya ng batikos mula sa mga animal rights groups at mga netizens. 

Matatandaang humingi ng paumahin si Kim noon. 

Ani Kim, ayaw na sana niyang magsalita tungkol sa isyu lalo pa’t humingi na umano siya ng paumanhin tungkol dito. Ngunit hindi umano niya maatim ang ginawang pagputol sa kanyang pahayag kaugnay sa isyu upang palabasin lamang na wala siyang ginawa upang itama ito. 

Kim Chiu marks 15 years in showbiz: ‘I cannot believe that I am now living the dream’

“I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun,” ani Kim. 

“But the thing is social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation. Ganun naman minsan sa atin,” dagdag pa niya.  

Ramdam din daw ni Kim na bawat kibot niya ay inuugnay sa mga nagawa niyang pagkakamali noon.

“Mas gusto ng karamihan palabasin kang super mean, yung diin na diin.. kahit wala ka naman ginawa ‘pa.’ Para kanang ginawa na masama sa mata nila. That’s the sad part,” saad pa ni Kim. 

“Pero kung may ginawa kang maganda hindi mashado papansinin. Pag masama... ‘happy fiesta!’ But oh well. Ganun sa atin eh,” ani pa niya. 

Kaya naman muling humingi si Kim ng paumanhin at humirit na sana ay huwag na umanong palakihin pa ang isyu. 

“But I’m asking for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions. Parang wala sa panahon ngyon ang gagawa ng ganun. Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan,” saad ni Kim. 

Sinagot din ni Kim ang isang netizen na binalaan siyang huwag basta-basta magbitaw ng mga salita. Sinabihan din itong pasmado umano ang kanyang bibig.

Ani Kim ito umano ang dahilan kung bakit hindi niya napipigilan na magsalita. 

“Ate, tama na po. This is one of the reasons kaya ako di nakapigil. Yung mga taong ganito mag salita, minsan mas worse pa nababasa ko. I already explained my part, kahit na di naman kailangan sabi ng team ko. But I just have to,” ani Kim. 

Isa si Kim Chiu sa mga mainstay hosts ng programang It’s Showtime.