• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinunyag ni Daniel Padilla na nagkaroon ng matinding ‘crush’ ang kaibigan niyang si Joshua Garcia sa dating leading lady nito na si Janella Salvador.

Daniel Padilla, ibinunyag na nagka-crush si Joshua Garcia kay Janella Salvador

Ibinunyag ni Daniel Padilla na nagkaroon ng matinding ‘crush’ ang kaibigan niyang si Joshua Garcia sa dating leading lady nito na si Janella Salvador.

Daniel Padilla, ibinunyag na nagka-crush si Joshua Garcia kay Janella Salvador-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/25/2022 11:40 AM
Daniel Padilla, ibinunyag na nagka-crush si Joshua Garcia kay Janella Salvador
Photo credits to @supremo_dp @superjanella on Instagram

Ibinunyag ni Daniel Padilla na nagkaroon ng matinding "crush" ang kaibigan niyang si Joshua Garcia sa dating leading lady nito na si Janella Salvador. 

Sa "Truth or Dare" benefit show ng ABS-CBN kasama sina Zanjoe Marudo at Hyubs Azarcon, natanong ang tatlo kung sino sa kanilang mga naging leading lady ang nagka-"crush" sila nang malala.

Una nang sumagot si Zanjoe.


"Jodi (Sta. Maria). Crush ko talaga 'yun," diretsong pag-amin ng aktor.

Zanjoe Marudo on working with Jodi Sta. Maria: ‘Napakasuwerte ko’

Nang matanong naman si Joshua, si Daniel na kanyang malapit na kaibigan ang sumagot.

"Sabihin ko ba? Si Janella," nakangiting sabi ni Daniel.

Kinumpirma naman ito ni Joshua at sinabing tama ang sagot ng aktor.

"Tama. Imposibleng magkamali 'tong mga 'to," aniya.

Matatandaan na naging leading lady ni Joshua si Janella sa sikat na ABS-CBN primetime series na The Killer Bride.

Nakilala ang kanilang love team bilang "JoshNella." Noong nakaraang taon, sinabi ni Janella na si Joshua ang itinuturing niyang best onscreen partner niya.

"Masaya makatrabaho si Joshua. Kasi super professional and ang galing niya talaga. Ramdam mo siya sa bawat eksena," paliwanag ng aktres. 

Nang tanungin kung bukas ba siyang makatrabaho ulit si Joshua, sagot ng aktres: "Open naman, of course!"

Sa ngayon ay nakatakdang magsama muli ang dalawa sa inaabangang Mars Ravelo's Darna: The TV Series ng ABS-CBN.

Si Joshua ang gaganap na leading man ni Jane de Leon na bibida bilang si Darna, habang si Janella naman ang magbibigay buhay sa kontrabidang karakter na si Valentina.