• Home
  • Fresh Scoops
  • Dingdong Dantes talks about his entire family’s road to recovery in a social media post.

Dingdong Dantes opens up about his family’s COVID-19 journey: ‘Mukhang nasama na kami sa surge’

Dingdong Dantes talks about his entire family’s road to recovery in a social media post.

Dingdong Dantes opens up about his family’s COVID-19 journey: ‘Mukhang nasama na kami sa surge’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

01/24/2022 10:15 AM
Dingdong Dantes opens up about his family’s COVID-19 journey: ‘Mukhang nasama na kami sa surge’
Photo credits to Dingdong Dantes on Facebook

On the tenth day since he started isolating at home along with his family, Dingdong Dantes shared his family’s COVID-19 journey after testing positive for the virus.

“Gusto ko lang magkuwento at magbahagi ng ilan sa mga naging karanasan ko at ng aming pamilya nitong nakalipas na dalawang linggo. So two weeks ago, finally nakakuha na ako ng booster shot and grateful ako na nakakuha ako ng slot sa city of Paranaque. Finally nakuha ko na ang booster shot ko kasi ang huling bakuna ko ay July pa. So saktong sakto, ready na ready na talaga ako for the booster. Thankfully after that naging okay naman yung pakiramdam ko. Yung expected lang na sasakit siya kinabukasan. Pero the day after, naging maayos na talaga,” he said.

READ: Dingdong Dantes, Marian Rivera celebrate 7th wedding anniversary


The 41-year-old actor and director recalled how he and his family first discovered they were hit by the virus.

“Pagkatapos ng ilang araw, napansin namin na marami na ang hindi magana ang pakiramdam sa kapaligiran namin, sa mga kapitbahay namin, sa bahay ng mga kamag-anak namin, ng mga magulang namin. Halos lahat ng mga kakilala namin eh merong positive case sa bahay. Hanggang sa lahat kami dito sa bahay nilagnat na at nagkaroon ng sintomas. Kaya naisip namin, ‘Naku muhkang ito na yun.’ Mukhang nasama na kami sa surge. Kaya nag-test kami at yun na nga, nag-positive kami sa COVID.

“Sa totoo lang hindi namin alam kung saan at papaano kami nahawa. Mabuti na lang hanggang mild lang ang naging sintomas namin. Nakakuha pa kami ng booster shot bago mahawa. Hindi lang ako pati yung mga kasama ko sa bahay. Sila matagal na sila nakakuha ng booster shot kaya talagang protektado yung mga katawan namin. Kaya nung nalaman namin na meron kami, ginawa namin yung mga dapat gawin. Nag-quarantine kaming magkakasama sa bahay, uminom ng gamot, at kumain ng sapat na mga pagkain para mapanatiling malusog yung katawan namin habang nilalabanan ang virus,” he shared.

Watch the complete video here:

LOOK: Marian Rivera, Dingdong Dantes visit Jerusalem

With his entire family down with the virus, Dingdong shared what was the biggest challenge for them and how thankful he is for those who helped them during this difficult time.

“Naging mahirap para sa amin since lahat kami nagkaroon sabay-sabay, naging mahirap yung mobility sa amin. Lalo na sa pagbili ng gamot, sa paghanda ng pagkain at pagbili ng pagkain. Ang masasabi ko nalagpasan namin ito dahil sa tulong ng maraming tao. Lalo na ng mga taong malalapit sa amin katulad ng nanay ko. Special shoutout sa ‘yo mommy dahil siyempre nagpadala siya ng mga pagkain at mga pagkain na paborito ko, paborito namin ng mga bata dahil nga hindi kami makaluto. …Kumbaga na-survive namin ito dahil sa mga ayuda na pinadala ninyo dahil hindi kami makakilos ng mga panahon na yun,” he said.

Dingdong Dantes emosyonal nang makarating sa Jerusalem

In his video, Dingdong reminded his followers to be responsible and get themselves vaccinated and updated with booster shots so they can protect themselves and others around them.

“Ngayon alam natin na imposibleng wala kayong kakilala na hindi COVID positive or may nararamdamang sintomas ng COVID. Ganun na kagrabe yung surge na ito. Ganun kagrabe yung nahawa at patuloy na nahahawa. Sana tandaan natin na hindi kasalanan or dapat ikahiya ang pagkakaroon ng COVID kasi siyempre kahit na anong pag-iingat ang gawin, nandiyan at nandiyan pa rin ang panganib na makuha ito. Kaya dapat sa tingin ko, doble kayod pa rin tayong lahat na masigurong makapagpabakuna, makapagpa-booster shot tayong lahat at mga mahal natin sa buhay pati mga kababayan natin dahil sa bukod dagdag proteksiyon na binibigay nito sa mga katawan natin, eh siyempre nalalayo pa tayo nito sa mga malalang sitwasyon kung tayo man ay matamaan at mahawa. Kaya mainam na gawin natin siyempre kapag magkaroon ay mag-isolate at mag-quarantine kung kayo ang mag-positive sa inyong mga test or kung kayo ay nakararanas ng mga sintomas,” he explained.

All set to go back to work this week, the multi-talented actor said he wants to stay optimistic despite the ongoing pandemic.

“Thankfully I feel alright and bukas Monday balik trabaho na ako. Back to normal na back to everyday doings. Yung pagsubok na ‘to na pinagdadaanan natin hindi lang ng bayan kundi ng buong mundo. Isang napakahirap na hamon para sa ating lahat ito pero malalampasan naman natin ito kung tayo’y magtutulungan at patuloy na iisipin ang kapakanan ng bawat isa,” he added.