• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwanag ni Diego Loyzaga kung bakit hindi niya kasama ang nobyang si Barbie Imperial sa kanyang bakasyon sa Estados Unidos.

Diego Loyzaga, ipinaliwanag kung bakit hindi kasama si Barbie Imperial sa bakasyon

Ipinaliwanag ni Diego Loyzaga kung bakit hindi niya kasama ang nobyang si Barbie Imperial sa kanyang bakasyon sa Estados Unidos.

Diego Loyzaga, ipinaliwanag kung bakit hindi kasama si Barbie Imperial sa bakasyon-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/24/2022 02:21 PM
Diego Loyzaga, ipinaliwanag kung bakit hindi kasama si Barbie Imperial sa bakasyon
Photo credits to @diegoloyzaga on Instagram

Enjoy ngayon sa pagbabakasyon ang aktor na si Diego Loyzaga sa Estados Unidos. 

Sa Instagram, ibinahagi ni Diego ang kanyang pamamasyal sa New Jersey, Pennsylvania, at Washington, D.C.

Ibinahagi rin niya ang kanyang unang snowboarding experience, kung saan hindi inaasahan na dumugo ang kanyang ilong. 


Bukod dito ay bumisita rin si Diego sa sikat na Times Square sa New York City at sa Caesars Palace sa Las Vegas, Nevada.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Marami ang natuwa sa mga larawan na ibinahagi ni Diego, ngunit mayroon ding ilang nagtaka kung bakit hindi niya kasama sa bakasyon ang kanyang nobya na si Barbie Imperial.

Paliwanag ng aktor sa press conference ng kanyang bagong pelikula na The Wife, gustuhin man ni Barbie ay hindi umano ito makakasama sa kanya dahil wala itong visa. 

Dagdag pa niya, hindi rin umano planado ang kanyang pagpunta sa Amerika.

"I came here all of a sudden. Like, I came here, it wasn't planned. I booked my flight the day before I left...And I don't think that Barbie has a blue passport," aniya.

"So yeah, I don't think... even if she wanted to come here, she couldn't have come here. She needs a visa to come here."

Nito lamang Disyembre ay ipinagdiwang nina Diego at Barbie ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

BASAHIN: Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nagdiwang ng unang anibersaryo

Bago nito ay nasangkot sa kontrobersiya ang dalawa matapos na ma-link si Diego sa sexy actress na si AJ Raval.

Pinabulaanan ito ng magkasintahan at sinabing walang katotohanan ang balita.

Hindi rin umano sila naapektuhan sa isyu at sa katunayan ay pinagtibay pa nito ang kanilang relasyon.