• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Daniela Stranner na minsan na siyang napagalitan ng direktor na si Cathy Garcia-Molina dahil sa isang importanteng eksena sa pelikula.

Daniela Stranner, ikinwento ang ‘di malilimutang karanasan sa set ng ‘Love at First Stream’

Inamin ni Daniela Stranner na minsan na siyang napagalitan ng direktor na si Cathy Garcia-Molina dahil sa isang importanteng eksena sa pelikula.

Daniela Stranner, ikinwento ang ‘di malilimutang karanasan sa set ng ‘Love at First Stream’-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/24/2022 02:17 PM
Daniela Stranner, ikinwento ang ‘di malilimutang karanasan sa set ng ‘Love at First Stream’
Photo credits to @danielastrannerrrr on Instagram

Nagkwento ang baguhang aktres na si Daniela Stranner tungkol sa hindi niya malilimutang karanasan sa set ng pelikulang Love at First Stream.

Sa podcast na PUSH Bets Live, inamin ni Daniela na minsan na siyang napagalitan ng direktor na si Cathy Garcia-Molina dahil sa isang mahalagang eksena.

"Ako kasi meron akong eksena, second to the last na 'to bago kami i-pack up...Grabe 'yung experience ko kay Direk Cathy doon. Kasi 'yung eksena na 'yun, hindi mo pwedeng i-cut. Mga two minutes straight 'yung eksena na 'yun, ang haba nung linyahan at dire-diretso dapat siya. One line, magkamali ka, ulit agad," ani Daniela.

"So naka-four takes na ata ako noon, hindi ko talaga makuha 'yung nag-iisang word na gusto ni Direk Cathy. Ganun siya kaselan when it comes to emotions talaga. Hindi ko siya makuha kasi nalulutang na ako tapos nahihirapan pa ako sa Tagalog word na 'yun."

Kwento ng aktres, nagulat siya nang bigla na lang siyang binato ng tissue ng direktor at sinabihan ng, ''Wag kang umiyak at punasan mo 'yang luha mo."

"Tapos habang nagsasalita si Direk Cathy, ako, ang ginawa ko, pinulot ko 'yung tissue tapos sabi ko, 'Game, Direk.' Tapos nag-last take na nun," aniya. "'Yun 'yung pinaka-memorable kasi dahil sa ginawa ni Direk Cathy, nagawa ko siya in one take. So sa akin, memorable 'yun."

Daniela Stranner on working with Cathy Garcia-Molina for her first movie: ‘Ako yung pag-iinitan ni direk dito’

Bagamat aminadong na-challenge, nagpapasalamat ang aktres kay Direk Cathy dahil sa pag-alalay nito sa kanya at sa kanyang mga co-stars.

"Kami kasi mga baguhan pa lang kami so arte namin, parang kaming baby steps. Tapos andyan si Direk Cathy inalalayan kami. Super matulungin niya," aniya. 

Ayon naman kina Jeremiah Lisbo at Kaori Oinuma, naging maganda rin ang kanilang karanasan na makatrabaho ang nasabing direktor sa pelikula.

"Pressure [nung una]. Akala ko makakaramdam ako ng... kasi ako kapag nape-pressure ako, nagiging stiff ako, hindi ako makakilos nang maayos. Pero nawala eh, kasi kampante ako na si Direk Cathy 'yung makakatrabaho ko," ani Jeremiah. "Kasama pa 'yung mga kaibigan at barkada ko sa Rise Artists. So talagang suportahan kami, collaboration, at teamwork talaga."

"Ako, [nakaramdam] ng kaba, takot kasi nanood ako ng mga ilang interviews ni Direk Cathy bago pumasok sa set," pag-amin ni Kaori. "Sinasabi talaga na may nakakatakot daw na side si Direk, pero pagdating doon, parang masasanay ka talaga. Concerned siya sa amin kaya kami napapagalitan. Para rin talaga siyang nanay. Sobrang honest niya sa amin, kung ano 'yung kailangan namin gawin, kung ano 'yung kailangan naming i-improve. Super tinulungan niya kaming lahat."

Ipinalabas noong Disyembre ang Love at First Stream bilang isa sa walong official entries ng 2021 Metro Manila Film Festival.

Bukod sa tatlo ay kasama rin sa pelikula sina Agot Isidro, Pinky Amador at Anthony Jennings.

Mapapakinggan ang buong episode kasama ang Love At First Stream stars dito:

Ang PUSH Bets Live! ay isang weekly online show na hinu-host ni Gary Ann Lastrilla at fini-feature ang pinakamalalaking stars sa bansa. Mapapanood ito sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Mayroon na ring podcast version ang PUSH Bets Live! Mapapakinggan ito sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming platforms.