• Home
  • Fresh Scoops
  • May dapat abangan ang mga KDLex fans mula kina Alexa Ilacad at KD Estrada.

Alexa Ilacad at KD Estrada, magsasama sa isang proyekto ng Dreamscape

May dapat abangan ang mga KDLex fans mula kina Alexa Ilacad at KD Estrada.

Alexa Ilacad at KD Estrada, magsasama sa isang proyekto ng Dreamscape-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/24/2022 07:15 PM
Alexa Ilacad at KD Estrada, magsasama sa isang proyekto ng Dreamscape

Hindi na mapipigilan ang paglayag ng KDLex o tambalang Alexa Ilacad at KD Estrada matapos ikumpirma ng Dreamscape Entertainment head na si Roldeo “Deo” Endrinal ang pagsasama ng dalawa sa isang proyekto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)

Matapos ang kanilang sinubaybayang pagsasama sa loob ng bahay ni Kuya, tuluyan nang magsasama sa isang proyekto sina Alexa at KD na gagawin nila sa ilalim ng Dreamscape Entertainment. 


Sa ngayon, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa nasabing proyekto. Gayunpaman, maraming fans na ang excited na mapanood ang tambalan ng dalawa. 

 

 

Ani ng ilang fans, kaabang-abang umano ang proyekto ng dalawa at talaga namang “deserved” umano nila ito. 

Samantala, una nang sinabi ni Alexa na nakahanap siya ng taong tunay na umiintindi sa kanya sa pamamagitan ni KD. 

"It was a two-way thing. If he got strength from me, I got strength from him, too. Our bond was just so genuine. From the very start, we had this really, really strong connection. We are the only ones who understood each other, and who wouldn’t get tired of each other,” ani Alexa sa panayam nito sa ABS-CBN News. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)

“Inside the house, where everything is so stressful, honestly — mentally, spiritually, emotionally, physically, with all the challenges — it’s a giant blessing for me that KD was there. If he’s thankful for me, I’m thankful for him even more,” dagdag pa nito. 

READ: Alexa Ilacad on bond with KD Estrada: 'Now I have a solid person in my life'

Magsasama din sina Alexa at KD sa isang fan conference na “KDLex: The Fancon” na gaganapin ngayon ika-26 ng Pebrero. Mapapanood naman ito sa KTX.