• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi daw kailangan paghandaan ang kissing scene sa kapwa lalaki ayon kay Paolo Gumabao.

Paolo Gumabao mas komportableng makipaghalikan sa kapwa lalaki kesa sa babae

Hindi daw kailangan paghandaan ang kissing scene sa kapwa lalaki ayon kay Paolo Gumabao.

Paolo Gumabao mas komportableng makipaghalikan sa kapwa lalaki kesa sa babae-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/23/2022 03:53 PM
Paolo Gumabao mas komportableng makipaghalikan sa kapwa lalaki kesa sa babae
Photo credit to Viva Entertainment Inc.

Bukod sa nudity ay may kissing scene din si Paolo Gumabao sa kapwa actor na si Vince Rillon sa BL movie na Sisid na idinirek ni Brillante Mendoza. Ayon sa Star Magic artist hindi daw siya nahirapang gawin ang naturang kissing scene kahit pa lalaki ang kaeksena niya. Mas madali rin daw ang makipaghalikan sa kapwa lalaki.

“For me, mas kumportable ako at mas nadadalian ako kapag ang ka-kissing scene ko ay lalaki, kasi you don’t have to be that delicate. You can tell them na, 'Uy, bro, okey lang ba na gawin ko ito?'

“Mas challenging sa babae because you have to be more careful. Siyempre, sila ay babae and we want to do our best to respect them, so mas madali para sa akin ang kissing scene sa lalaki. Mas carefree siya,” katwiran ng binata.


Dagdag pa ni Paolo wala raw namang pinagkaiba ang pakikipaghalikan sa babae at lalaki. Ang importante daw ay kung ano ang nararamdaman habang ginagawa ang eksena.

“Hindi na namin pinaplano o pinaghahandaan kung paano mag-kissing scene sa Sisid. Ang kissing scene sa lalaki at kissing scene sa babae, parehas lang yan. There’s no such thing as this is how to kiss a guy. This is how to kiss a girl. It just feels the same.”

READ: Paolo Gumabao on doing daring roles: ‘I’m being pushed outside of my comfort zone’

Sa Sisid na napapanood sa Vivamax Plus ay isang marine biologist ang karakter na ginagampanan ni Paolo. Love interest naman niya dito sina Vince at Kylie Verzosa. 

Katulad ni Paolo, hindi rin nahirapan si Vince sa kissing scene niya kay Paolo. Alam daw kasi niya na tunay na lalaki ang co-actor sa Sisid.

Ani Vince, “Mas nahirapan ako sa diving scenes. Sa mga kissing scene, hindi naman po ako nahirapan kasi alam kong tunay na lalaki si Paolo. Alam ko yung limitasyon namin bilang totoong Vince.

Ayon naman kay Direk Brillante Mendoza walang inhibitions sina Paolo at Vince habang ginagawa nila ang maseselang eksena sa BL movie.

“Wala silang inhibitions kaya ang sarap nilang katrabaho. Sobrang game sila. Wala silang plaster. Sabi nga nila, nagkakaskasan na sila,” kuwento ng multi-awarded director.

Patuloy niya, “Marami silang bed scenes, pero siyempre, hindi ko naman ginamit lahat. Kung hindi naman kailangan, hindi ko isasama just for the sake of ano… Meron silang tatlong major-major love scene na wala talaga silang saplot, wala silang plaster. Kasi, pareho naman silang hindi nagpaplaster.”

Hindi rin daw isyu kahit pa magkakitaan sila ng private parts habang nagsusyuting.

“Kasi, pag nagsusyuting naman kami, nasa karakter sila. Eh, nakaano na pala yung nota ni Paolo sa mukha ni Vince. Kaya ang sabi ni Vince, ‘Pare, yung t*t* mo, takpan mo!’ Tinakpan ni Paolo dahil nasa harap na ni Vince!” natatawang kuwento pa ng direktor.

READ: EXCLUSIVE: Paolo Gumabao, minsan nang nag-dalawang isip tungkol sa showbiz: ‘Para sa akin ba talaga ito?’

Nilinaw naman ng direktor na bagama’t may hubaran ang mga pelikulang ginagawa niya ay meron din naman daw itong kabuluhan at saysay.

“Pag mapanood mo naman, hindi naman small time na film. Hindi raket lang. Hindi lima-singko. Nag-a-adjust ako, pero ayokong ma-hinder yung creative ano ko… alam mo yun.

“Kasi, natsa-challenge kasi ako, eh. Ganun akong tao, eh. The more na merong restrictions, the more na gusto kong maging creative. Basta at the end of the day, ang gusto ko, ang film ko, yung gusto ko talaga. Yung hindi ko talaga siya ikahihiya. Pag namatay ako, gusto ko part siya ng filmography ko,” lahad ni Direk Brillante.

Samantala, ang Sisid ay pangalawang pelikula na ni Direk Brillante sa Vivamax pagkatapos palabas ang Palitan na isang girl love (GL) movie noong December 2021.