• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Kris Aquino na hindi umano siya makikipabalikan sa taong hindi niya pinagkakatiwalaan at taong ginamit lamang siya.

Kris Aquino, may matapang na pahayag tungkol kay Mel Sarmiento

Sinabi ni Kris Aquino na hindi umano siya makikipabalikan sa taong hindi niya pinagkakatiwalaan at taong ginamit lamang siya.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/23/2022 08:44 PM
Kris Aquino, may matapang na pahayag tungkol kay Mel Sarmiento
Photo credits: @akosilolitsolis on Instagram

Naglabas ng matapang na pahayag si Kris Aquino laban sa kanyang ex-fiancé na si Mel Sarmiento matapos muling maungkat ang tungkol sa tunay estado ng kanilang relasyon ngayon. 

Sa isang Instagram post, sinabi ni Lolit Solis na baka magkabalikan na umano sina Kris at Mel lalo pa’t boto umano ang kani-kanilang pamilya sa kanilang relasyon.


Matatandaang kinumpirma ni Kris ang hiwalayan nila ni Mel nitong buwan lamang.

Kaya naman naglabas ng pahayag si Kris upang pabulaanan ang kumakalat na isyu ngayon.

Ani Kris, imposibleng magkabalikan sila ni Mel lalo pa’t iniwan umano siya nito sa oras na kinailangan niya ito at nakipaghiwalay pa ito sa pamamagitan lamang ng text message.

“No ‘nay… hindi kami nag balikan. I just felt PEACE in my - finally… kaya the past no longer felt like something I needed to erase. Iniwan niya ko, ‘Nay, when I was at my lowest and ginawa niya yun via text,” ani Kris.

READ: Kris Aquino's posts with Mel Sarmiento have disappeared from her Instagram

Nang ipagdasal umano ni Kris ang kanyang sitwasyon, agad itong nasagot nang magkausap sila ni Mel sa pamamagitan ng FaceTime. Dito, naliwanagan umano siya tungkol sa tunay niyang nararamdaman para rito.

“Matagal akong tahimik na nagdasal questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation? I found MY answers because we finally got to talk over FaceTime audio a few nights ago… basing it on that final conversation it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect I had left for him,” ani Kris.

Nakiusap naman si Kris na huwag nang idamay ang kanyang anak sa isyu lalo na si Bimby na pag-amin ni Mel ay nasaktan niya. 

“Let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this,” aniya. 

READ: Kris Aquino, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Mel Sarmiento: ‘I must end this chapter’

Napag-alam pa umano ni Kris na lumapit ang kanyang ate upang makausap ito at maging tulay sa kanilang pagkakasundo ngunit napag-alaman niya na binalewala siya nito.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him and hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” saad ni Kris.

Pagbabahagi pa ni Kris, nag-imbento umano ito ng maraming kwento tungkol sa samahan nila ng kanyang kapatid na si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag imbento ng napakaraming kwento bilang ‘patunay’ na close talaga sila ni Noy eh may parang Alvin (ang assistant ni Kris) si Noy. Pero kung si Alvin 17 years with me, this person was with my brother for 28 years and kasing detalyado ang calendar of the people, places, events na napuntahan, and nakasama ni Noy as Alvin is with me—mas grabe pa yung kanya because from Congress 1998 to the end of Noy’s term in 2016 kumpleto talaga yung listahan,” saad ni Kris.

READ: Kris Aquino reveals upcoming wedding to Mel Sarmiento will be ‘tiny and super private’

“Nay, by now kilala mo ko—FAMILY will always come first, kahit may mga tampuhan or misunderstandings, at the end FAMILY loyalty pa rin ang uunahin. I feel OA yung ginawang panggamit sa nananahimik ng patay—kaya it was a relationship na yung entire premise, what led to the closeness was my brother Noy—and because of what I had perceived to be their closeness (background lang: the 2 boys and I lived with Noy for the last 5 weeks before the May 2016 elections and Mel was a constant presence kasi maraming tinatapos na LGU issues),” dagdag pa nito.

Samantala, may patutsada naman si Kris kay Mel na sinabing hindi siya makikipagbalikan sa taong hindi niya pinagkakatiwalaan lalo pa’t alam niyang hindi siya minahal nito at ginamat lamang. 

“So paano mag babalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang? The End,” aniya. 

Buwelta pa niya: “Move on na.”

Read Kris' full reply here: