• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpaabot umano ng tulong si Ryza Cenon para kay Lolo Narding.

Ryza Cenon, tinulungan ang lolo na ikinulong dahil sa pagnanakaw ng mangga

Nagpaabot umano ng tulong si Ryza Cenon para kay Lolo Narding.

Ryza Cenon, tinulungan ang lolo na ikinulong dahil sa pagnanakaw ng mangga-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/21/2022 08:50 AM
Ryza Cenon, tinulungan ang lolo na ikinulong dahil sa pagnanakaw ng mangga
Photo credits to @iamryzacenon on Instagram

Nagpaabot ng tulong ang aktres na si Ryza Cenon sa 80 anyos na lolo na ikinulong noong ika-13 ng Enero.

Matatandaang naging usap-usapan nitong mga nakaarang araw ang pag-aresto kay Lolo Narding Floro matapos umanong magnakaw ng sampung kilo ng mangga.


Hirit ng ilang netizens, nakakaawa umano ang sinapit ni Lolo Narding lalo pa’t maliit na bagay lamang umano ito. 

Ryza Cenon and partner to build future home

Halos isang linggong nanatili si Lolo Narding sa kustodiya ng pulis sa bayan ng Asingan sa Pangasinan base sa ulat ng Asingan Public Information Office.

“Pinapitas ko yung isang puno ng mangga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman ‘yun,” paliwanag ni Lolo Narding.

“Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng ₱6,000,” dagdag pa nito. 

Naglabas ng warrant of arrest ang 7th Municipal Circuit Trial Court (MCTC) Asingan-San Manuel noong ika-20 ng Disyembre ngunit ika-13 ng Enero na nang maaresto ito. 

Isa sa mga artistang nanggagalaiti sa galit dahil sa sinapit ni Lolo Narding ang aktres na si Ryza Cenon kaya naman nagpaabot ito ng tulong.

Ayon sa inilabas na ulat ng PEP, nagprisinta umano si Ryza na magpiyansa kay Lolo Narding para makauwi na ito. 

Nakipag-ugnayan umano ang handler ni Ryza na si Caryl Ann Paraic nitong Miyerkules ng gabi, ika-19 ng Enero, upang ipaabot ang tulong ng aktres. 

Dahil wala umanong sumasagot sa tawag nito, nagdesisyon na silang lumapit sila sa PEP. 

No Faceapp needed: Ryza Cenon sports new look

Sa ngayon, pansamantalang nakalaya si Lolo Narding sa tulong ng iba't-ibang indibidwal. Gayunpaman, siniguro ni Ryza na magpapaabot pa rin siya ng tulong.