• Home
  • Fresh Scoops
  • Mapa-local man o international ay kilala ang talento ng mga Pinoy lalo na pagdating sa pagkanta.

OPM artists na lumabas sa billboard sa Times Square New York Part 2 | Pushpins

Mapa-local man o international ay kilala ang talento ng mga Pinoy lalo na pagdating sa pagkanta.

OPM artists na lumabas sa billboard sa Times Square New York Part 2 | Pushpins  -Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/21/2022 12:51 PM
OPM artists na lumabas sa billboard sa Times Square New York Part 2 | Pushpins

Gaya na lamang ng mga OPM artists na nagkaroon ng digital billboard sa famous landmark sa New York na Times Square. 

Sinu-sino sila?

Let's find out.


 

1. Belle Mariano 

Na-feature si Belle Mariano sa digital billboard ng EQUAL playlist ng Spotify sa Times Squre New York noong December 16, 2021.

READ: LOOK: Belle Mariano appears on Spotify’s billboard at Times Square in New York

Ito ay isang araw lamang matapos i-release ni Belle ang kanyang music video para sa kantang ‘Tanging Dahilan’ noong December 15.

Kasama sa EQUAL Philippines playlist ang mga kanta ni Belle na ‘Sigurado’ at ‘Tanging Dahilan.’ 

 

2. James Reid 

Ikinatuwa ng fans ni James Reid nang ibahagi nito ang litrato at video ng kanyang digital billboard sa Times Square noong May 2021.

Ang billboard feature ni James ay para sa Mixtape Asia playlist ng Amazon Music. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james)

Mayroong 60 tracks ang playlist na mula sa iba't ibang Asian artists. 

Ang kanta ni James na ‘Crazy’ ang number 1 sa playlist na ni-release noong May 14. 

 

3. KZ Tandingan 

Matapos maging cover artist ng EQUAL Philippines playlist sa Spotify ay na-feature rin si KZ sa billboard sa Times Square noong November 2021.

Sa Instagram post ni KZ ay sinabi niyang "my heart is full" matapos malaman na mayroon siyang billboard sa New York.

READ: KZ Tandingan proud to have a billboard in New York City: ‘My heart is full’

Sa post ay hinikayat din ni KZ ang kanyang fans sa New York na mag-picture kasama ang kanyang billboard.

Kasali sa EQUAL playlist ang kanta ni KZ na ‘11:59’ na ni-release niya noong October 2021. 

 

4. Reese Lansangan 

Ibinahagi rin ng singer na si Reese Lansangan ang kanyang Times Square billboard moment noong June 16, 2021.

"That's my face in Times Square," pagbabahagi ni Reese sa kanyang Instagram page kasama ang ilang litrato at videos ng billboard. 

Samantala, noong 2020 ay napansin na rin ng United States' National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang talento ni Reese.

Ginamit ng NASA ang kanta ni Reese na ‘A Song About Space’ para sa kanilang Launch America campaign. 

 

5. Julie Anne San Jose 

Isa rin si Julie Anne San Jose sa mga na-feature sa EQUAL playlist digital billboard sa Times Square. 

July 22, 2021 nang ibahagi ni Julie Anne ang litrato at video ng kanyang digital billboard. 

Maliban sa pagiging cover artist ng EQUAL Philippines playlist ay kasali rin ang kanta niyang ‘Free’ sa EQUAL Global playlist. 

 

Watch this Pushpins video to see more of these artists. 

Sino sa tingin niyo ang susunod na OPM artist na magkakaroon ng digital billboard sa New York Times Square?