• Home
  • Fresh Scoops
  • Mapa-local man o international ay kilala ang talento ng mga Pinoy lalo na pagdating sa pagkanta.

OPM artists na lumabas sa billboard sa Times Square New York Part 1 | Pushpins

Mapa-local man o international ay kilala ang talento ng mga Pinoy lalo na pagdating sa pagkanta.

OPM artists na lumabas sa billboard sa Times Square New York Part 1 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/21/2022 12:28 PM
OPM artists na lumabas sa billboard sa Times Square New York Part 1 | Pushpins

Gaya na lamang ng mga OPM artists na nagkaroon ng digital billboard sa famous landmark sa New York na Times Square.

Sinu-sino sila?

Let's find out.


 

1. Nadine Lustre

Masayang ibinahagi ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account noong April 30, 2021 ang pagka-feature niya sa digital billboard sa Times Square New York.

Kasama sa post ang video at litrato na kuha sa Times Square na nilagyan ni Nadine ng caption na, "we made it to NYC fam."

READ: SPOTTED: Nadine Lustre featured on Spotify billboard in New York

Isa si Nadine sa mga nakasali sa EQUAL playlist ng Spotify, which is a compilation of tracks from female artists all over the world.

Kasama ang single ni Nadine na ‘Wildest Dreams’ sa EQUAL Philippines playlist ng Spotify. 

 

2. Kiana V

Singer Kiana V also appeared in a digital billboard in Times Square. 

Proud dad moment para kay Gary Valenciano nang ibahagi nito sa kanyang Instagram account ang video ng billboard ni Kiana.

During that time ay nasa New York si Kiana na nagbahagi rin ng kanyang litrato habang pinagmamasdan ang kanyang billboard sa Times Square.

READ: Kiana Valenciano featured on billboard in New York City's Time Square

Kasali sa EQUAL Philippines playlist ng Spotify noong September 2021 ang single ni Kiana na ‘DAZED’. 

 

3. Ylona Garcia 

Hindi makapaniwala ang singer na si Ylona Garcia nang mapasama rin ito sa EQUAL playlist digital billboard sa Times Square.

Sa kanyang Instagram post noong October 21, 2021 ay ibinahagi ni Ylona ang litrato at video ng kanyang billboard sa New York.

READ: ‘Is this for real?’: Ylona Garcia gets billboard at New York’s Time Square

Kasali sa playlist ang single ni Ylona na ‘Don't Go Changing’ na ni-release niya noong September 2021. 

 

4. Janine Teñoso

August 7, 2021 nang ibahagi ng singer na si Janine Teñoso na siya ang cover ng EQUAL Philippines playlist sa Spotify.

Matapos ang ilang araw ay nag-post si Janine noong August 18, 2021 na kasama ito sa digital billboard ng Spotify sa Times Square New York.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @janinetenoso

Kasama sa EQUAL Philippines playlist ang single ni Janine na ‘Ghosts in the Room’ bilang first track.

Ang kanta naman ni Janine na ‘Paano’ ay kasama sa EQUAL Global playlist. 

 

5. Zack Tabudlo

Na-feature naman ang singer na si Zack Tabudlo sa digital billboard sa Times Square noong July 2021.

Sa kanyang post sa Instagram ay sinabi ni Zack na, "I never thought this would be possible." 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zack Tabudlo (@zack.tabudlo)

Isa si Zack sa sampung artists ng Spotify Global Radar na isang campaign promoting emerging artists. 

Bilang Radar artist ay nakamit ni Zack ang longest-running number 1 track sa Philippines' Top 50 chart ng Spotify para sa kanta nyang 'Binibini.' 

 

Watch this Pushpins video to see more of these artists. 

Sino sa tingin niyo ang susunod na OPM artist na magkakaroon ng digital billboard sa  

New York Times Square?